Chapter 46: C.R. lang ako

2.2M 46.3K 15.5K
                                    

Josh's Point of View


Nakahiga ako sa may kama nang magring ang phone ko. Tumatawag si mommy. Tinitigan ko lang ang phone. Ilang araw ng hindi umuuwi si mommy sa bahay. It's been 3-5 days na rin since nalaman ko 'yung tungkol sa amin ni Ayu. Actually, wala naman pala ako masyadong alam. Naguguluhan pa ako. Pagkatapos tumawag ng daddy ni Ayu noong nakaraan ay wala na kaming narinig na news ni Ayu tungkol doon. Wala rin naman nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa.

Kinuha ko ang phone ko at sinagot 'yun. I think it's about time para malaman ko kung ano ang gustong mangyari ni mommy.

"Hello? Josh?"

"Hey, ma."

"How are you?"

"Ayos naman po."

"It's nice to hear that. Josh?"

"Po?"

"Kilala mo raw si Ayumi Kahn? Daughter of Erik Kahn?"

"Opo. About Ayu – "

"Good. I want you to spend some time with her. Kilalanin nyong mabuti ang isa't isa. Kung kinakailangang magsama kayo 24/7 – "

"Ma!"

Natawa ang nasa kabilang linya pero wala akong makitang nakakatawa ngayon. "O, sige. Hindi na 24/7. Basta kilalanin niyo mabuti ang isa't isa. Be nice to each other. Be super close to her if possible. Are we clear, Josh?"

"Bakit ba kailangan ko pang – "

"It's for the better. Sige na. May mga gagawin pa ako. I'll be home in 2 weeks, dear. Be good there, okay? Love you. Bye!"

Ano bang problema ngayon ni mommy? Hindi naman nya ako pinapakilala sa mga anak ng business partners niya noon tapos all of a sudden ipapakilala o ipapadate niya na ako sa iba. She's Ayu Kahn, my friend. And what's even worse is that she's Ken's girlfriend for goodness' sake.

Hindi pwede 'to. I need to do something. Soon makakaisip din ako ng magandang gawin. Sa ngayon, tutunganga muna ako.

Nakahiga pa rin ako at nakatingin lang sa kisame nang naisipan kong i-check ang Twitter ko. Bumungad naman sa akin ang tweet ni Sab.


"Kahit na gaano mo sabihin na wala kang pakialam, hindi mo maitatago sa sarili mo na naaapektuhan ka rin." Nabasa ko lang somewhere. Haha!


Ang drama naman ni Halimaw. Mapagtripan nga at mamessage.


***

Ang drama mo.

9:02 p.m.

Huwag kang mainggit. Magdrama ka rin kung gusto mo.

9:04 p.m.

Sige, sandali lang.

9:04 p.m.

***


"What do you usually do when you don't know what to do?" And tweet.

Ayan. Nagtweet na ako.

Ilang sandali lang ay nagreply naman ang magagaling kong kaibigan.


Xander: Anong ginagawa ko kapag hindi ko alam gagawin ko? Sus. Edi kakausapin si Yannie.

Ice: Sleep or think. That's what I do.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon