Chapter 23: Lunch

2.1M 52.7K 13K
                                    

Xander's Point of View


"Mr. Yu and Ms. Kahn, please meet me at the faculty room. The rest of the class, you're dismissed."

Woo! Sa wakas! Ito lang talaga ang hinihintay ko. Uwian. Buti na lang halfday lang pala kami.

Nang sumunod na si Ayu at Ken kay ma'am ay lumapit ako kay Yannie.

"Tara," aya ko sa kanya.

"Ha?"

"Kain tayo sa labas. Uwian na naman at hindi pa tayo nagla-lunch."

"Ah. Pero – "

Bago pa makasagot si Yannie ay umepal na si Josh, "Kakain tayo? Sige, tara! Gutom na ko." Si Yannie lang naman niyayaya ko, bakit sumasam 'to?

"Patay gutom." Sino pa nga ba ang magsasabi niyan kay Josh? Ang bestfriend lang naman niyang si Sab. At paniguradong magsisimula na naman ang panibagong kabanata ng awayan nilang dalawa.

Dinuro ni Josh si Sab at pinangliitan ng mata, "Hoy! Ikaw nga Sabrina e manahimik na lang dyan. Hindi naman kita kinakausap. Bakit ka sumasabat?"

Nagpameywang naman si Sab at tinaasan ng kilay si Josh, "Ikaw ang 'wag sumabat! Ikaw ba kinakausap ko? May sinabi ba akong patay gutom ka Josh? Wala naman 'di ba?! Patay gutom lang ang sinabi ko!"

"Sigurado akong ako ang pinaparinggan mo!"

"Aminado ka naman? Eh 'di sige, ikaw na lang. Gusto mo palang ikaw." Kalmadong kalmadong sabi ni Sab.

Ginulo naman ni Josh ang buhok niya at lumayo na lang kay Sab. Talo ang loko.

Matapos naming manuod ng live show starring Sab and Josh, humarap na ulit ako kay Yannie, "Yannie? Tara na."

"Uhh. Kasi uuwi akong maaga ngayon. May sakit si Zoe 'di ba? Wala pang kasama 'yun."

Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko. Sa susunod na araw ko na nga lang ulit siya aayain.

Nagulat naman ako nang biglang umakbay sa amin ni Yannie si Josh, "Sus! Huwag niyo na isipin 'yun. Sigurado akong nasa mabuting kalagayan ngayon si Zoe."

"Paano mo naman nasabi?"

"Basta hula ko lang."

"Kailan ka pa naging manghuhula, pare?"

"Tsk. Basta ayos lang 'yun. Alam ko. Promise!" taas pa niya ng kamay niya.

"Dahil sa ikaw ang nagsabi niyan Josh, walang maniniwala. Kaya Yannie, tara na." Si Sab na naman.

"Grabe ka makapagsalita. Kanina ka pa ha! Bahala ka! Akala mo naman nagsisinungaling ako."

Hindi pinansin ni Sab si Josh at inakbayan lang si Yannie.

"Hintaying lang natin si Ayu." sabay upo ulit ni Yannie kaya sumunod naman kaming tatlo.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na sila Ayu at Ken.

"Bakit kayo pinatawag?" tanong agad ni Sab pagpasok na pagpasok ng dalawa.

"Quiz bee." sabi lang ni Ken.

"Kasali kayo? Sus. Panalo na kayo niyan walang duda. Kayo pinakamatalino sa school," puri ko naman sa kanila. Kapag hindi sila ang nanalo, aba ewan ko na lang.

Umiling si Ken at napahawak sa batok, "Hindi naman sa school lang ang laban. Regional kasi. Mukhang bigatin mga kalaban."

"Kaya niyo yan. Goodluck sa inyo," sabi ni Sab habang tumatalon.

"Kaya niyo yan. Goodluck." sabay tayo ni Yannie at tinapik sa balikat ang dalawa. "Nga pala, una na kami ha? Next time na lang tayo kumain sa labas."

Tumango ako, "Sayang naman. Akala ko pa naman sabay tayo ngayon maglalunch, Yannie."

"Ha?" sabay sabay na tanong ng apat. Siniko naman ako ni Yannie dahil doon. Makapagreact naman kasi mga 'to parang sabay lang naman kakain.

"Wala. Mag-uwian na kako tayong lahat."

"Kung gusto niyo sa amin na lang tayong lahat maglunch. Kaya lang baka magutom kayo kasi syempre magluluto pa tapos – "

Hindi pa natatapos magsalita si Ayu ay pumayag na kaming tatlo. Hindi naman kami choosy. Willing to wait din naman.

"Si Ice lang kulang," sabi ni Ken.

"Hindi rin," bulong naman ni Josh. Nang tingnan ko siya ay nginitian lang niya ako at lumabas na ng classroom. Baliw.

Halos 20 minutes away lang ang bahay nila sa school.



Nang pinapasok nila kami ay agad nagpaalam si Sab na aakyatin niya lang daw si Zoe sa kwarto niya habang si Yannie at Ayu ay dumiretsyo sa kusina para maghanda ng makakain. Sumunod naman kaming tatlo nina Ken at Josh sa kusina para tumulong.

But... wow.

Hindi ko ineexpect 'to.

Napahinto kaming lahat.

Totoo ba 'tong nakikita ko o joke time lang?

"Guys, wala si Zoe sa kwarto..." Bumagal ang paglalakad ni Sab nang makarating siya sa dining at unti-unting nanglaki ang mata. "niya," bulong niya.

Kasi naman, sino ba ang hindi magugulat kung makita mo ang kaibigan mong may sakit na nasa may dining room at tawa pa ng tawa habang kumakain. Hindi siya tumatawang mag-isa...

Kasama at katawanan niya si Ice.

What the hell is happening?

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon