Chapter 59: Christmas Party

2M 45.4K 13K
                                    

Zoe's Point of View


Nakapalumbaba lang ako sa harap ng laptop at nakatitig sa mga pictires na kinuhan ko noong game.

"Alam mo Ate Zoe, walang mangyayari dyan sa mga litratong 'yan kung tititigan mo lang. Try mo kayang i-edit di ba?"

"Hindi pa ako nagsisimula pero nanlulumo na ko. Tinatamad ako," sagot ko kay Ashley at hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop.

"Kung nagsimula ka na dyan, sana umaandar ka na. Kung ako nag-eedit dyan baka kanina ko pa ginawa 'yan at napangalahati ko na."

Nagkaroon ng malapad na ngiti sa labi ko at dahan dahan akong tumingin kay Ashley na nakadapa sa kama niya at nagbabasa pa ng libro.

Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay unti unti siyang tumingin sa akin at napakunot ang noo niya saka umupo. "No. Alam ko na 'yang iniisip mo. Hindi ako mag-eedit. Nope. Ayoko."

"Ash, please?" Pagpapacute ko pa sa kanya.

"See this?" Itinaas niya ang librong binabasa niya kanina. "I'm reading. Busy ako."

"Hindi naman importante 'yan. Percy Jackson and the Olympians lang naman 'yang binabasa mo."

Umarte siya na parang nagulat at nanlalaki pa ang mata. "Percy is important, Ate Zoe. Isa siyang demigod. Don't say bad words."

Napasibi na lang ako at humarap ulit sa laptop. Sabi ko nga wala akong mapapala dito kay Ashley. Makapagsimula na nga lang.

Edit lang ako nang edit nang biglang magring ang phone ko. Sinagot ko 'yun kahit hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Kamusta naman kayo ni Ice dyan?" tanong ni Sab sa kabilang linya habang tawa ng tawa.

"Ha. Whatever. Wala kami sa atin. Nasa bahay nila ako ngayon."

"Grabe ka naman Zoe. Masyado mo atang dinibdib ang panunukso namin sa'yo kanina," tawa na naman ng bruha.

"Whatever, Sab. Bahala ka dyan. Busy ako," sagot ko sa kanya sabay end ng call.

Kainis kasi. Kanina pa nila ako inaasar. Kasi ang usapan namin ni Ice, siya ang pupunta sa bahay para doon kami mag-ayos ng pictures. Malay ko bang aalis at may kanya kanyang lakad ang tatlo. Hindi ko tuloy alam na kami lang ni Ice pala ang maiiwan sa bahay.

Nang nalaman ng tatlo 'yun, ininis na nila ako. Kesyo kaming dalawa lang daw ang tao sa bahay, na baka raw mamaya e... basta. Ayun na 'yun.

Kaya para magtigil sila, sinabi ko na lang kay Ice na sa bahay na lang nila kami gumawa kaya ayan. Nandito ako ngayon.

"Ash, ang tagal naman ng kuya mo. Akala ko ba bibili lang siya ng pagkain natin. Bakit wala pa rin – "

"Nandito na po. Namiss mo agad ako?"

Napalingon ako sa pinto ng room ni Ash at nakita doon si Ice na nakangisi pa habang may buhat buhat na plastic bag.

Tumalikod din agad ako at ibinalik ang tingin sa laptop, "Miss ka dyan. Akala ko nilayasan mo na ko. Ang dami kaya nitong ineedit ko. Tapos meron pa sa camera mo."

"Reasons," panunukso ni Ashley. Pagtutulungan pa ba ako ng magkapatid na 'to?

Inayos na namin ang mga napamiling pagkain ni Ice at nagmerienda sa kwarto mismo ni Ashley.

Matapos kumain ay bumalik na ako sa pag-aayos ng pictures. Nilagay ko 'yung laptop sa ibabaw ng kama ni Ashley at tumabi naman sa akin si Ice at nilagay din ang laptop niya doon.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon