Josh's Point of View
Nakatambay kami ngayon sa garden ng girls. Favorite spot talaga namin 'to sa bahay nila. Ang relaxing kasi. Kaya masarap tambayan. Kasama ko sila Ice, Xander,, Yannie at Sab ngayon dito. Nasa loob ng bahay nila si Ayu at umuwi naman si Zoe sa bahay ng parents niya.
"Ten days na rin pala."
"Ang alin?" tanong ko sa nagsalitang si Xander.
"Magbuhat nang umalis si Ken."
"Matagal na rin pala. Ang lungkot tuloy palagi ni Ayu," sabi ni Sab at nagpangalumbaba pa sa round table sa gitna.
"Malamang lulungkot siya. Anong gusto mong gawin niya? Magcelebrate kasi umalis na 'yung taong mahal niya?"
"Huwag mo kong simulan, Josh. Nangbabara ka na naman," reklamo siya at napasibi unconsciously.
Kinurot ko naman siya sa pisngi kaya pinalo niya ang kamay ko. "Saturday ngayon, Sab. M-W-F lang kita hindi aawayin 'di ba?"
"Plus sunday!"
"Yup. Sundays, too."
Natawa naman si Yannie at Xander at ngumiti si Ice habang iniilingan kami. "Problema niyo?" tanong ko.
"Para kayong ewan. May schedule talaga?"
"Walang basagan ng trip!" sabay na sigaw namin ni Sab. Nagkatinginan naman kami at nag-apir.
Biruin mo, nakasundo ko pa 'tong babaeng 'to. Lagi kong kaaway tapos biglang naging okay na kami. Ang bilis din ng pangyayari kaya hindi ko alam kung paano nangyari 'yun. Basta ang alam ko lang, after ng contest, nagkajive na kami.
"Nakakapanghinayang lang, ano?" panimula ni Yannie. "Ayun na, e. Mahal na nila ang isa't isa pero hindi pa naging sila."
"It's because I used my head instead of my heart." Napalingon kami sa nagsalita. Si Ayu pala. Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ni Sab at nginitian kami. "At pinagsisisihan ko 'yun."
"Okay ka na ba?" tanong ko.
Ngumiti sya, "Oo? Hindi? Hindi ko alam. Pero okay man ako o hindi wala namang magbabago 'di ba? Hindi naman babalik si Ken."
"Pero mas sasaya siya kung okay ka," sabi ni Ice. Nilingon siya ni Ayu at ngumiti. Ang hilig niya ngumiti ngayon, ha.
"Maybe. Pero hindi naman niya malalaman kung masaya ba ako o hindi kasi wala naman siya dito. Kasi iniwan niya tayo. Kasi umalis siya. Kasi pinairal ko ang utak ko. Kasi hindi ako naniwala sa kanya. Kasi nahuli na ako ng dating."
"Ayu," tawag ni Sab at hinawakan siya sa likod.
"Okay lang, Sab. Kabayaran 'to sa actions ko. Kasalanan ko naman kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kaya 'wag na kayong gagaya sa akin na nahuli na bago pa marealize ang bagay bagay."
Tinuro niya si Xander at Yannie, "Kayo. I don't know kung ano nang estado niyo. Kung fake pa rin ba yan or totoo na. Gusto ko lang ipaalala na less than a month na lang ang natitira sa inyo. Kapag natapos na ang usapan niyo, ano na ang mangyayari sa inyo? Pag-usapan niyo na 'yan habang maaga pa. Kung mahal niyo ang isa't isa, huwag na kayong magdalawang isip pa." Namula naman 'yung dalawa sa sinabi niya. Kung hindi lang siguro seryoso sa pagsesermon si Ayu kanina pa ako natawa. Patawa kasi si Xander. Namumula rin pala.
Matapos sa kanila ay humarap naman sa akin si Ayu. "Ikaw! Huwag mong daanin ang lahat sa lokohan. Huwag kang masyadong maloko dyan. Minsan pakiseryoso rin ang ibang bagay. Kasi baka mamaya baka kapag naging seryoso ka na hindi ka na nila paniwalaan kasi panay nga ang pagloloko mo." Hala. Ganu'n na ba ako kaloko loko?
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)