Ayu's Point of View
"You should have seen the look on his face when I smashed his car," Zoe said laughing like there's no yesterday.
Kanina pa panay tawa nitong si Zoe. Tuwang tuwa kasi at nabwisit niya 'yung leader ng boys na si Ice.
"Hindi ka naman masaya niyan, ano? Anyway, girls, the real game is officially on. Walang papatalo sa mga lalaking 'yan," sabi ni Sab habang nakataas pa ang isang kamay.
Natigil kami sa kwentuhan at nagbalikan na sa proper seats nang dumating 'yung teacher namin.
Discuss siya nang discuss at syempre ay naging sobrang attentive. May mga times naman na nagdadaldalan 'yung tatlo sa gilid at naglalaro ng kung ano man ang nilalaro nila.
"Class, gagawa kayo ng research paper. This will be done by group which consists of seven members. Okay?"
"Ma'am, kami po ba pipili ng groupmates?" tanong naman ni Xander.
"Ano ba ang gusto niyo? Ako na lang mag-assign?"
Pagkatanong na pagkatanong niya nu'n ay nagsipag-ingay na ang boys. Sila na lang daw ang pipili. At as usual, itsyapwera na naman kaming babae. Wala na naman kaming say.
Pinapatahimik na ni ma'am ang boys pero parang mga walang pakialam. Hindi nakikinig. May ilan nga na bumubuo na ng groups ngayon palang. Nakakahiya naman sa kanila.
"Ang babastos talaga. Parang walang teacher sa harap," bulong ko sa mga katabi ko.
"Makabuo ng grupo akala mo okay na. Lagi na lang feeling nila masusunod ang gusto nila," iritang sabi naman ni Sab.
"Boys, quiet!" sigaw ni ma'am pero dahil mahinhin siya ay hindi 'yun masyadong marinig.
Nagparinig pa si Yannie na ang iingay nila pero syempre nadeadma lang siya.
"Mga bastos. Ayaw niyong umayos ha," bulong ni Zoe.
Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ng room. Tiningnan niya ng masama ang side ng boys at saka sumigaw, "Boys! Queit nga raw 'di ba?! Mahina ba ang pandinig niyo o hindi lang kayo nakakaintindi ng english?! Isang word lang 'yan! Quiet! Kung hindi niyo maintindihan, tatagulin ko na kasi nakakahiya naman sa inyo! Ang sabi, tumahimik daw kayo! Kaya manahimik lang kayo, pwede ba?!"
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa ni Zoe pati na rin sa naging reaksyon ng lahat. Lahat ay nanglalaki ang mata at halatang mga gulat na gulat sa ginawa niya. Samantalang kaming mga nasa likod ay nagpipigil lang ng tawa.
Tiningnan lang ni Zoe ang side ng boys at nang masiguro niyang nakatahimik na ang lahat ay lumingon siya sa teacher para magsorry sa ginawang pagsigaw at saka bumalik sa upuan.
Nang makabalik ay nag thumbs up kami sa kanya at nakipag-apir pa siya kay Yannie.
Sa gitna ng katahimikan ay umubos si ma'am dahilan para makuha niya na ulit ang atensyon ng lahat. Umayos siya ng tayo at humarap kay Zoe, "Thank you, Ms. Davis, sa pagpapatahimik sa... boys." Nagtataka pa rin siya kung paano nagawa 'yun ni Zoe pero maya maya lang ay umiling ito at nagpatuloy. "As I was saying, magkakaroon kayo ng group research. As for the groupings," ibinalik niya ang tingin kay Zoe. "Ms. Davis, I'll give you the honor to decide. Paano ang gusto mong hatian ng grupo?"
"Kayo na lang po ang mamili, ma'am. To be fair."
"Okay. So class, write down your names on a one-eight piece of paper then fold it into two at ipass na sa harap."
We did what we were told and when everything's settled, binanggit na niya ang names ng magkakagrupo.
Nabanggit na niya ang group one pero wala ni isa sa amin ang nabanggit.
"Group 2. Ayumi, Zoe, Ivan, Josh, Sabrina, Paul and Desiree. Group 3. Kenneth, Yannie, Xander, Irene, Francis, Gino and Mia." She also announced kung sino ang leaders at syempre isa ako doon. Samantalang sa group naman nila Yannie ay si Kenneth ang naassign. Pagkatapos no'n ay nadismiss na ang klase.
Lumapit sa akin si Zoe at Sab saka ako niyakap. Isinandal pa nila ang mga ulo nila sa balikat ko. Ano na naman trip ng dalawang 'to?
"Anong nangyari sa inyo?" Pagkatanong ko ay sabay nilang inangat ang ulo nila at saka ako nginitian.
"Wala naman," ngiti pa rin ni Zoe.
"Natutuwa lang kami na kagroup ka namin," dagdag naman ni Sab.
"Sus. Ayun lang naman pala."
"Anong ayun lang?! Kagroup ka namin kaya ibig sabihin niyan..." bulong ni Sab at saka humarap kay Zoe.
"Ikaw na ang gagawa lahat!" sigaw nilang dalawa at itinaas pa ang dalawang kamay saka ako inikutan.
Parang mga bata. Pero... ha! Asa naman sila.
"Hoy, kayong dalawa," tawag ni Yannie sa dalawa kaya huminto sila sa pag-ikot. "Umandar na naman nyang katamaran niyo. Pasalamat na nga lang kayo kasi magkakagrupo kayong tatlo. Kaya kayong dalawa, tulungan niyo 'to," turo sa akin ni Yannie.
I put my arms around her shoulder and stick out my tongue to Zoe and Sab, "Narinig niyo ang sinabi ni Yannie. Tutulong kayo. Walang takas." Pagkatapos ay niyakap ko si Yannie. "Thank you, Yannie! Savior kita today!"
***
Mahaba pa ang oras bago matapos ang break time kaya nagpunta muna ako sa library para maghanap ng books tungkol sa pinapasearch sa amin ni ma'am. Iniisa-isa ko ang shelves dahil mahirap na kung may malagpasan. At sa tinagal-tagal kong naghahanap, finally ay may nakita na akong libro.
Hihilahin ko na sana ang libro kaya lang ay may isa pang tao ang biglang humawak sa libro. At nang tingnan ko kung sino 'yun ay biglang nag-init ang ulo ko. Bwisit. One of the leaders. Si Kenneth or known as Ken.
"Nauna ako dito." Aba't ang kapal ng mukha nito magsinungaling.
"Ako ang naunang makakuha nito," kontra ko sa kanya.
"Hindi. Ako ang nauna. Maghanap ka na lang ng iba."
"No. Ako ang nauna kaya ikaw ang maghanap ng iba."
"Ako nga sabi. Bitaw na!" Hinihila niya sa akin ang libro pero mas hinigpitan ko lang ang hawak.
"Ikaw ang bumitaw! Bwisit naman!"
"Sssh." Pagpapatahimik sa amin ng librarian.
"Ingay mo kasi," sisi niya sa akin.
"Shut up! Bitawan mo na lang 'to para tapos na," bulong ko na medyo pasigaw.
"Ayoko. Hindi ko ibibigay 'to sa 'yo. Ako ang nauna kaya sa akin 'to."
"Hoy, Kenneth Yu, magtigil ka nga at bitawan mo na 'to!" Hinihila ko pa rin ang libro pero ayaw pa rin niya bitawan.
"Ms. Ayumi Kahn, ikaw na bumitaw. Give this to me."
"No."
"Sus naman, Ayumi. Baka kaya ayaw mong bitawan 'tong libro kasi gusto mong ganito lang tayo. Sabihin mo na lang ng mas maaga. Pagbibigyan naman kita."
"Anong ganito? Nababaliw ka na ba? Kung anu-ano sinasabi mo. Ikaw lang naman nakakaintindi."
Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napasandal ako sa shelf pero hindi ko pa rin binibitawan 'yung libro. "Akala ko ba matalino ka? Ganito. Ibig sabihin ko, ganito tayo. Magkaharap. Magkalapit. Magkausap," sabay ngisi niya at palapit pa rin nang palapit ang mukha niya sa akin. Napakaantipatiko! Nauubos na ang pasensya ko!
"In. Your. Dreams," sabay apak ko ng malakas sa paa niya.
"Ouch!" sigaw niya kaya napabitaw siya libro at hinawakan niya 'yung paa niyang inapakan ko.
"Ssh. Quiet! Sino ba 'yang sumigaw d'yan?" Lapit na sa amin ng librarian.
"Si Kenneth po. Nakagat po kasi siya ng langgam. Medyo weak po kasi talaga siya kaya ganyan. Sorry po sa ingay pero okay na po." Mukha namang naniwala ang librarian kaya iniwan niya rin kami. Samantalang si Ken ay nakasalampak pa rin sa sahig at hawak ang paa. Well, sabi ko na nga ba at may pakinabang din minsan kapag may heels kahit papaano ang sapatos mo.
Umupo ako sa tabi niya at saka siya nginitian, "Ang kulit mo kasi. Ayan tuloy. Akin na 'tong libro ha? Gamitin mo na lang pag nabalik ko na. Bye, loser!"
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)