Ayu's Point of View
Graduation Day...
This is it. Gagraduate na kami. Alam mo 'yung pakiramdam na ang saya saya mo pero at the same time ang lungkot lungkot din. Ganum kasi ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions kumbaga.
"And now, let's call on this year's class valedictorian to give us his graduation speech. Mr. Kenneth Yu." Nagpalakpakan ang mga tao at syempre kasama ako sa mga pumapalakpak. Proud girlfriend ata 'to.
Tumayo na siya sa upuan niya na katabi ko lang since ako ang class salutotorian.
"Go, Ken," sabi ko pa sa kanya bago siya umakyat ng stage.
Inayos niya muna ang mic at saka ngumiti sa lahat. "Good evening, everyone. Bago ko 'to simulan, babalaan ko na kayo. Hindi ako magaling sa mga speech na ganito. Mas gusto kong nagsusulat o nagbabasa kaysa nagsasalita ng ganto sa harap ng maraming tao. Pero dahil sa ito ang unang beses kong gagawin ang bagay na 'to, hayaan niyo na akong magsalita ng medyo mahaba. Hindi ko alam kung mababagot kayo pero kung mabagot man kayo, 'wag niyo na lang ipahalata, please. Medyo nakakatense kasi." Nagtawanan ang mga tao sa loob ng hall. Nagawa pa kasing magpatawa nitong si Ken.
"Ano ba ang dapat sinasabi kapag graduation speech? Hindi ko rin kasi alam. Ang alam ko lang sa ngayon, dalawa lang ang nararamdaman ko. Masaya at malungkot. Masaya kasi ito na. Gagraduate na tayo. Apat na taon din tayong naghirap. Apat na taon tayong nag-aral at ngayon, ayan na. Ito na. Ito na ang bunga ng pinaghirapan natin. Kumabaga sa games, level completed na tayo at paakyat na tayo sa higher level. Pero syempre malungkot din. Malungkot kasi iiwanan mo na 'yung mga bagay na ayaw mo namang iwan. Iiwan mo na ang mga bagay na nakasanayan mo na. Sa totoo lang nung una, wala naman akong pakialam. Wala akong pakialam kung iiwan ko ang highschool. Ano ba namang paki ko sa mga tao dito? Pero ngayon nagbago ang lahat. Malay ko ba naman kasing may mga darating at magbabago ng nakasanayan ko – nang nakasanayan namin dito." Ngumiti ulit si Ken at tumingin sa direksyon namin.
Napangiti rin ako at napatingin kila Zoe, Yannie at Sab na nasa may gawing gitna.
"Alam kong kilala ng lahat kung sino ang mga tinutukoy ko. Salamat sa inyo. Salamat sa pagbabago sa eskwelahan na 'to. Salamat sa pagbabago sa nakagawian namin. Salamat sa pagbabago sa amin... sa akin. Ngayon, ito na. Ito na talaga. Nakamit na natin ang tagumpay. Naabot man natin ang dulo ng level na 'to, sana sa next level wala pa ring iwanan. Walang limutan. Kaya graduates... congratulations sa atin!"
Nagsigawan ang mga estudyante at napatayo.
Hindi ko alam pero di ko talaga mapigilan ang maiyak. Malay ko ba namang magiging ganto kadikit at kaimportante sa akin ang eskwelahan na 'to. Hay.
Nang matapos ang seremonya ay napagpasyahan naming magpunta sa No Name. Syempre. Saan pa ba kami pupunta? Dito lang naman di ba? Magcecelebrate kami kasama pa ang iba.
Nandito ang pamilya naming lahat pati sila Ate Cass, Manager, Ash at maski si Drake ay inimbitahan na rin ni Sab.
"Congratulations!" sigaw ni Manager.
Pareparehas pa kaming nagpasalamat sa kanya. Nagkwentuhan kami hanggang sa mapagpasyahan na ng mga magulang namin na umuwi kaya kami kami na lang ang naiwan.
"Miss, medyo matapang ata ang pabango mo. Masakit sa ilong."
"What?! Excuse me. Wala ka lang kasing taste, mister. Pati pabango ko pinapakialaman mo."
"Sinasabi ko lang ang naaamoy ko."
"Walang nanghihingi ng opinyon mo."
"We live in a democratic country. I can do what I want. And besides, ginagamit ko lang ang freedom of speech ko."
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)