Sab's Point of View
"Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Anim? Pito? Ugh!" reklamo ko at nagpagulong gulong sa kama ko. Ilang sandali lang ay humiga ulit ako nang maayos at tumitig sa kisame. Tinaas ko ang kamay ko at nagbilang. "Ilang araw ko na ba iniiwasan 'yun?" sabi ko sa sarili ko.
"Eight. Eight days, Sab." Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at tumingin sa may pintuan ng kwarto ko.
Nakatayo at nakasandal si Zoe at Yannie doon. Para silang ewan na nakatingin at nakangisi sa akin. Lumapit din sila at umupo sa kama at pinaggitnaan ako.
Nagbilang si Yannie, gamit ang daliri niya, "One, two, three, four, five, six, seven and eight. Ayun. Sakto. Tama. Eight days na nga."
"I told you." Nagtawanan pa ang dalawa at nag-apir. Problema ng mga 'to?
"Bakit ba kayo nandito?" taas kilay kong tanong sa kanila.
"Taray. Pero trip lang namin. Bakit mo nga pala binibilang kung ilang araw mo na iniiwasan si Josh?" taas babang kilay tanong ni Yannie.
"Ha? Hindi kaya. Kayo talaga mga mapaggawa ng kwento. Huwag ganu'n. Bad – " Natigil ang sasabihin ko nang batukan ako ni Zoe. "Aray! Para saan 'yun?!"
"Lulusot ka pa kasi e huling huli ka na. Huwag ka na magdahilan. Ikaw naman kasi, Yannie, mali naman kasi tanong mo e," sabi pa ni Zoe.
"Bakit? Paano ba dapat?"
"Hindi naman kasi 'yun ang tanong. Ang tanong dyan, bakit mo iniiwasan si Josh?" Napatango naman si Yannie sa sinabi ni Zoe.
Tumayo ako akmang lalabas ng kwarto. "Narinig niyo 'yun? Tinatawag ata ako ni Ayu. Puntahan ko – " Hinila pababa nila akong dalawa kaya napaupo ulit ako sa kama.
"Wala si Ayu. Kasama niya si Ken ngayon."
"Ah, ganun ba? Sumama na lang din kayo kay Xander at Ice para hindi ako ang pineperwisyo niyo dito," sagot ko sa kanila kaya sinamaan naman nila ako ng tingin. Sila pa ba galit, ako na nga itong ginugulo nila. Hay, buhay!
"Umiiwas ka ba kay Josh kasi may nararamdaman ka na sa kanya?" diretsyong tanong ni Yannie.
Umatras ang dila ko at hindi ko nagawang sabihin ang mga gusto kong sabihin.
"Silence means yes," dugtong pa niya.
Ha. Hindi lahat ng silence ibig sabihin yes. Minsan kasi sadyang hindi mo lang alam ang dapat at gusto mong sabihin kaya hindi mo nagagawang magsalita agad.
Bumuntong hininga naman si Zoe dahil hindi ako sumasagot. "Hay, Sab. Masyado ka kasing in denial. Sabagay ganyan naman talaga siguro 'yung iba. 'Yung tipong may gusto na pero hindi pa rin nila alam."
"Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin na hindi ko nga gusto si Josh?!"
"Sige lang, Sab. Deny lang. Bakit ba kasi hindi mo matanggap na may gusto ka na sa kanya?" tanong ni Yannie.
"Kasi nga wala talaga. Bakit nyo ba pinipilit?!" sigaw ko sa kanya.
Tumunog naman bigla ang phone niya kaya tiningnan niya ako sandali at saka 'yun sinagot.
"Hello?" sagot nya dito. "Bakit? Saan pupunta?" Pupusta ako na si Xander ang kausap nito. "Ah. Sige. Punta na ko. Bye," binaba na niya ang phone at tumingin sa amin ni Zoe.
"Si Xander. Alis muna raw kami," paalam niya. Tumango naman kami ni Zoe. "Sab, hindi pa tayo tapos. Pagbalik ko – "
"Yannie!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)