Zoe's Point of View
Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na narinig ko.
"Ugh! Ano ba yan? Ang ingay ingay. May natutulog dito!" sigaw ko sa kung sino man ang nag-iingay. Idinilat ko ang isang mata ko at laking gulat ko nang makita si Yannie sa harapan ko. Paano napunta 'to dito?
"Baka naman gusto mo nang bumangon d'yan?" Nakapamewang niyang sabi.
"Bakit ba?! Ang aga aga. Anong oras pa lang ba?!" Tiningnan ko ang orasan sa lamesa ko at tinuro sa kanya. "Ayan oh. Tingnan mo. 5:30 pa lang. At saka paano ka ba nakapasok dito? Labas nga." Nagtalukbong ako sa kumot para i-block na ang presenys niya pero makulit talaga itong si Yannie. Bigla niyang hinila at tinapon ang kumot ko kaya hindi ko napigilan ang mapaupo at sigawan siya, "Ano ba kasi?!"
"For your information, sleepyhead, today is our first day in school. Ang pangit naman kung ma-le-late ka sa unang araw, 'di ba? Idadamay mo pa kami. Ang bagal mo kaya kumilos kaya dapat lang gisingin ka ng mas maaga."
Oo na. Sige na. Ako na ang mabagal mag-ayos. At oo nga pala. Bakit ba nakalimutan ko? First day nga pala namin. Hindi dapat malate. Dapat maging good girl.
"Nga pala, kanina pa ako katok nang katok pero ayaw mong magising kaya sinipa ko na lang ang pinto ng kwarto mo. Sige na, maligo ka na." Tinalikuran niya ako at lumabas na.
Patayo na sana ako nang saka lang pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Nakapasok siya ng kwarto kasi sinipa niya ang pinto... ibig sabihin... nasira ang pinto ng kwarto ko?!
Agad kong tiningnan ang doorknob. Nakapaling 'yon kaya hindi nakasagad ang pagkakasara ng pinto. Sira nga!
"Yannie!"
***
Sab's Point of View
Nang makarating kami sa school, napansin ko agad na parang may something dito. Parang may kakaiba na hindi ko alam kung ano. Pero nevermind. Wala naman akong pakialam. Hahanapin ko na lang kung anong section namin.
Dahil bago nga lang kami, hindi pa namin alam ang pasikot-sikot sa eskwelahan na 'to. Kaya ginawa ko ang gawain ng mga matinong transferee. Hinarangan ko ang unang tao na makakasalubong namin.
"Excuse lang, kuya. Saan ba dito nakapost 'yung mga sections?" tanong ko sa lalaki.
Kaya lang sa halip na sumagot ay sinamaan niya ako ng tingin at tinalikuran. Akala ko ituturo niya sa amin ang daan pero wala. Iniwan lang niya talaga kami. Lalapit sana ulit ako sa kanya para bigyan siya ng isang sapak nang pigilan ako ni Zoe.
"Hayaan mo na. First day natin. We need to be nice as much as we can. Iiwas tayo sa gulo ngayon. Remember?" Tumango na lang ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Hahayaan ko na lang 'yung bwisit na lalaking 'yon. Wala akong pakialam sa kanya. Hindi naman niya ikakagwapo ang pagsusungit. Basta magpapakabait na lang kami ngayon. Bahala siya. Okay, Sab. It's okay. Kalma.
Nang may madaananan kaming grupo ng mga babae, huminto si Ayu para magtanong sa kanila.
"Excuse me. Magtatanong lang sana ako kung saan makikita ang list ng sections?"
"Ah, sections? Nakapost 'yun sa bulletin board. Dumiretsyo lang kayo sa hallway na 'yan tapos sa unang likuan, kumaliwa kayo. Makikita niyo na agad 'yung board."
Buti pa 'tong girl na 'to ang bait. Hindi katulad nang pinagtanungan ko kanina.
Nang makapagpasalamat ay nagpunta na kami sa sinasabi niya. Sumingit si Yannie at nakipagsiksikan habang kaming tatlo ay naghihintay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)