Chapter 32: Bakulaw

2.2M 48.5K 8K
                                    

Sab's Point of View


"Hoy, bilisan niyo kaya! Baka pagdating natin doon wala na tayong abutan!" sigaw ko sa mga mababagal kong kaibigan.

Puro mga nasa classroom pa kasi e manunuod nga kami ng laban nila Ayu at Ken sa quiz bee ngayon. Moral support ba. Kaya nga shorten period lang kami, e. Pero ewan ko lang kung may abutan pa kami dahil sobrang bagal ng mga kasama ko.

"Hindi ba kayo lalabas ng room?! Anong oras na?!" Napakatatagal!

Ilang sandali lang ay lumabas na si Zoe, Ice at Josh. "Napakaingay mo. Nakakaistorbo ka ng ibang klase. Baka nakakalimutan mong fourth year lang ang maaga ang dismissal," saway sa akin ni Zoe.

"Paano naman kasi wala na tayong aabutan nito. Napakababagal niyo."

"Maaga pa," sabi ni Ice.

"Anong maaga pa?! 2:30 na! 2:30"

"Alas quatro pa ang simula."

"Hoy, Sabrina, makapagreact ka d'yan. Parang napakalayo ng convention. 20 minutes away lang kaya yun. OA nito."

"Zoe naman, e. Hihintayin mo pa bang mag-4 bago ka pumunta du'n. Kung kaya mo nang gawin ngayon, huwag mo nang gawin mamaya. Ngayon na dapat," pangangatwiran ko. Aba hindi pwedeng lagi na lang nagproprocrastinate.

"Iyang bunganga mo walang preno! Alam mo ba 'yung maaga pa? Excited ka masyado!" Ay wala na. May umepal ng bakulat hindi naman siya ang kausap.

"Kinakausap?"

"Oo. Anong tawag d'yan sa ginagawa mo ngayon?"

"Wala kang kwentang kausap! Bahala ka d'yan!" Tinabig ko siya at akmang pupuntahan sila Yannie at Xander sa loob ng room. Napakatagal naman kasi.

Papasok pa lang ako nang pigilan ako ni Zoe. "Nag-aaway pa. Huwag kang istorbo."

Oh? Nag-aaway 'yung dalawa? Pero dahil sa dakilang pasaway ako ay pumasok pa rin ako.

Magkaharap 'yung dalawa at halatang seryosong nag-uusap. Nakakunot ang noo ni Xander at nakataas naman ang kilay ni Yannie. Hindi ito ang tamang panahon pero... "Mamaya na ang LQ! Late na tayo!" sigaw ko kaya napatingin sila sa akin.

"Hoy, Sab! Kulit mo. Ano ba," hila sa akin ni Zoe palabas ng room pero hindi ko siya pinansin.

"Bilisan niyo na kasi!"

"Sab, ang ingay mo! Bigyan mo nga ng privacy 'yang dalawa. Tara na," awat niya pero hindi pa rin ako nagpapatinag.

"Anong oras na?! Halika na – " Hindi ko na naisigaw ang sasabihin ko nang may umakbay sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Huwag ngang maingay 'di ba. Napakakulit mo. Tara na sa parking." Taeng bakulaw 'to. Panira! Bwisit.

Nagpupumiglas ako pero hindi ako makapalag. Laking tao ba naman kasi nito.

Sinusubukan ko pa rin magsalita pero dahil sa may pumipigil nga sa akin ay hindi naman maintindihan ang mga sinasabi ko. Nakakaloka! Makawala lang ako dito makakatikim na sa akin ang bakulaw na 'to. Letse talaga siya.

"Huwag ka nga sabing maingay! Hangga't nagsasalita ka, hindi ko tatanggalin 'tong kamay ko! Napakahirap mong kausap!" sigaw ng bakulaw. Grabe! Nakarating na kami ng parking nakatakip pa rin kamay niya sa akin. Masusuffocate na ako nito ha!

Nang nakita ko na ang sasakyan na gagamitin namin ay nagpumiglas ulit ako. Full force na ngayon kaya nakawala na rin ako sa wakas.

"Grabe! Papatayin mo ba ako?! Kung ikaw kaya unahin ko dyan!" sigaw ko sa kanya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon