Yannie's Point of View
Mula sa mall ay dumiretsyo kami sa bahay. Maski 'yung boys ay tumambay muna sa amin. Dito na nga rin sila magdidinner kasi ayaw pa magsiuwi.
Ako ang nakatoka magluto kaya tinulungan na ako ni Xander. Para siyang assistant cook ko. Si Ken at Ayu naman ay nasa sala kaharap ang mga libro nila. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang mag-aral kaagad pagkauwing pagkauwi. Wala man lang pahinga. 'Yung apat naman na walang mga ginagawa ay nasa may garden at malamang nagkwekwentuhan.
"Bakit ka ba kasi nagagalit?" tanong ng katabi ko na naghihiwa ng gulay.
"Kanina mo pa tinatanong 'yan! Kanina ko pa rin sinasagot."
"Sinabi ko lang naman na boyfriend mo ako. Anong masama doon? At least wala pa rin akong nilabag sa rule. Hindi ko naman sinabi na fake lang 'to."
Sabagay may point siya. Bakit nga ba ako nagagalit? Ah, basta!
"Hindi mo naman kasi hinintay na makabwelo ako para sabihin sa kanila. Agad agad kang nagbabalita dyan. Excited?" Pangangatwiran ko.
"Malamang, Yannie, masasabi kong tayo na. Tinanong ako eh. Anong gusto mo, magsinungaling ako?"
Tumingin lang ako sa kanya nu'n at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Wala na kong maisip na dahilan. Bakit ko nga naman kasi binibig deal yun? Tsk.
***
Ken's Point of View
Nag-aaral kami ngayon ni Ayu para sa regional quiz bee. Sa History, favorite subject ko, kami ipanglalaban.
Tahimik lang kaming nagbabasa sa may sala. Parehas sobrang nakafocus sa libro pero ilang saglit lang ay isinara na ni Ayu 'yung libro niya at sumandal sa upuan at pumikit. Sinara ko na rin 'yung libro ko at tumabi sa kanya.
"Tired?" tanong ko sa kanya na naging dahilan para dumilat siya.
"Sumasakit lang ulo ko. Ang daming dates, names, places, events. Ugh!"
"Ayaw mo ng History?"
"Ayoko. I prefer Math."
"Then how come ang taas ng grades mo sa History?"
"Ayoko lang naman ng history pero it doesn't mean na hindi ko na 'yan inaaral."
"Sabagay."
Nagring naman 'yung phone niya at sinagot niya 'yun.
"Hello? ... I'm fine. ... Yes. Magrereview po ako... Quiz bee. ... Thanks. ... Medyo busy po. Why? ... What?! ... No. ... No. ... I don't want to. ... I'm hanging up. ... Don't call me again kung ayan lang ang sasabihin niyo. Sorry."
Ayun ang mga sinabi niya at saka niya inilayo ang phone niya sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay tumango siya sa direksyon ng phone niya. "My dad."
Hindi naman sa pagiging chismoso pero halatang hindi maaya ang usapan nila kaya nagtanong ako, "Problem?"
Umupo naman siya ng maayos at humarap sa akin, "Yes! Yes, there's a problem. My dad. He's so... ugh!" Bigla ulit siyang sumandal at pumikit.
"I'll listen."
Tumingin siya sandali sa akin at napabuntong hininga. "Si Dad kasi nakakainis. Kasi alam mo, my mom left us when I was still young. Nagpunta na siya sa mas masayang place. It was so hard for me to cope at first but as time passed by, nasanay na rin ako. My dad and friends are there for me so I didn't really feel that lonely. But two years ago, everything changed. She met another woman. She forgot about mom. Gusto niyang ipakilala sa akin 'yung babae pero ayoko. And you know what he just said earlier? He's planning to propose to her. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung gusto ko ba o kung okay lang sa akin na mag-asawa siya ulit."
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)