Xander's Point of View
Konti na lang pala at matatapos na ang deal namin ni Yannie. Astig lang. Nakatagal ako ng two months sa isang babae. Achievement! Kaya lang kung matatapos na ang deal namin, hindi na magiging kami. Hay, ewan. Hindi pa naman tapos kaya bakit ko ba iisipin agad 'yun? I-e-enjoy ko na lang kung ano ang meron kami ngayon.
"Woo! Shot!" sigaw ni Manager Ry kaya binatukan naman siya ni Ate Cass.
"Hoy, Ry! Napakakunsintidor mo!"
"Chill, Cass. Joke lang. Ito naman," sagot naman ni Manager at umakbay kay Ate Cass.
Natawa na lang kaming walo sa dalawang matandang nasa harap namin. Oo, hindi pa sila ganun katanda pero kung ikukumpara sa amin ay matanda na sila.
"Grabe. After months of bangayan, nagkatuluyan na rin kayo sa wakas," sabi ni Zoe na kinikilig kilig pa.
"True! Akala ko forever na lang kayo mag-aaway at magdedeny sa mga feelings niyo," dagdag pa ni Ayu.
"Alam niyo kasi medyo tinetest ko lang si Sab. Tinitingnan ko kung gaano katagal niya kayang pigilan ang nararamdaman niya para sa akin. Medyo mas maaga nga siyang umamin kaysa sa inaasahan ko. Baka hindi kinaya yung kagwapu – Aray naman!" Natawa naman kami sa dalawa. Paano naman kasi binato ni Sab sa ulo ni Josh 'yung bag niya.
"Manahimik ka lang dyan. Imbento ka! Sino kaya 'yung habang nagdedebate sa classroom biglang babanat ng – " Tinakpan naman ni Josh ang bibig ni Sab kaya lalo kaming natawa sa kanila.
"Huwag mo nang balikan ang nakaraan," bulong pa niya kay Sab pero narinig naman namin.
Kinagat ni Sab 'yung kamay niya. "Ah, ganun? Bakit, kinakahiya mo ba 'yun? Nako. Hinayapuk kang bakulaw ka. Sabi na nga ba. Hindi mo talaga ako ma – "
"Tumahimik ka dyan. Mahal kita. 'Wag kang magdrama."
"Yii," tukso ng mga babae. Kami naman ay natatawa na lang sa inaasta ng dalawang 'to. Mga hindi mabubuhay ng hindi nag-aaway.
Oo nga pala. Kaya kami nasa No Name ay para sa double celebration ng pagiging mag-on ni Sab at Josh pati na rin nila Ayu at Ken. Late na nga lang pero better later than never.
Tiningnan ko naman si Yannie. Parang hindi siya masyadong nagsasalita ngayon pero nakikitawa naman siya sa iba.
Inakbayan ko siya na mukhang ikinagulat niya, "Okay ka lang?"
Tumango naman siya at ngumiti, "Syempre."
"Tara?"
"Saan pupunta?"
"Papahangin lang sa may labas. Balik din tayo agad."
"Okay." Lumingon sya sa mga kasamahan namin at nagpaalam, "Guys. Labas lang kami saglit."
"Gusto niyo lang magsolo," ngisi ni Ken.
"Oo naman," sakay ko sa trip niya kaya ayun, nakatanggap ako ng palo kay Yannie.
"Tara na nga lang," sabay hila niya sakin palabas.
Habang palabas kami ng No Name, may mga lalaking halos lusawin si Yannie kung makatingin.
"Chicks," dinig kong sabi pa ng isa.
Inakbayan ko si Yannie para malaman ng mga siraulong 'yun na may kasama sya.
Nang makalabas ay umupo kami sa may bench sa harap ng No Name.
"Ganda ng langit, ano?" tanong niya sa akin.
Tumingala ako at napangiti. Ang dami palang stars. "Oo nga," sagot ko sa kanya. Tinitigan ko sya habang siya naman ay nakatingala at nakatingin pa rin sa mga stars. "Anong gagawin mo pagkatapos nito?"
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)