Chapter 13: Forever is just a word

2.6M 56.4K 12.2K
                                    

Zoe's Point of View


Ang hirap naman nito. Natutuyot na utak ko. Bakit ba kasi bawal ang copy paste? Nakakatatlong page pa lang ako sa ginagawa ko. Bakit feeling ko thesis na ginagawa namin? Highschool pa lang naman ako. At ang mas masaklap pa, one week palang since nagstart ang school year pero over naman na ata 'tong pinapagawa sa amin. Due pa 'to sa Monday kaagad.

"Anong date ngayon? Ilalagay ko lang para sa date of submission?" tanong ni Leader Ayu.

"June 21," sagot naman ng isa sa kagrupo namin. Seryosong seryoso ang lahat ha. Amazing! Pero... June 21 ngayon? Bakit parang... oh... oh no.

"Sure ka? 21 ngayon?" Paninigurado ko.

"Oo. Chineck ko sa phone."

"Oh no! 21 pala ngayon!"

"21 ngayon. June 21. Saturday. What's the big deal?! Arte naman. Makapagreact," sabi ni Josh na nakatutok pa rin sa laptop niya.

"Tumahimik ka! Hindi hinihingi opinyon mo dito!" Pagtanggol naman sakin ni Sab sabay irap pa kay Josh. Inirapan lang din naman siya ni Josh. "Bakit ba, Zoe? Bakit ganyan reaksyon mo?"

"Where's Yannie? She's alone, right? Oh no. Oh no." Napasabunot na ako sa ulo ko. Medyo nagpapanic na ako.

"Yannie? Oo. Iniwan namin sa bahay. Bakit mo ba – " Napahinto sa pagsasalita si Sab at nagkatinginan sila ni Ayu. Parehas nanlaki ang mata nila at sabay nagsalita, "We need to go."

Tumayo kami pero nagpatigil din nang magsalita si Ice. "Where do you think you're going? Tapos na ba kayo? If not, then finish your work before going," utos niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagtatype.

"Huwag ngayon, Ice. We really need to go," sabi ko sa kanya.

"Don't you think it's a bit unfair kung aalis ka? Kung aalis kayo? Hey, leader! Ikaw na nagsabi na bawal umalis kapag hindi pa tapos. Kapag umalis, hindi ililista ang name sa group. I think we all agreed on that." Kalmadong kalmadong pagkakasabi ni Ice habang nakapalumbaba pa at nakatingin sa amin.

"But we badly need to go. Hindi niyo kasi naiintindihan," pagmamaktol ni Sab habang pumapadyak padyak.

"Kahit anong rason pa 'yan, hindi 'yan uubra. Nag-usap-usap na tayo kanina," Josh said blankly.

"Pwede naman kayong umalis. Wala nga lang kayong grade." Ice is really threathening us.

Tumayo ako ng diretsyo at kinuha ang gamit ko sabay lakad papalabas. Sasama pa sana si Ayu at Sab pero pinigilan ko na sila.

"Sab and Ayu, don't you dare follow me. Tuloy niyo lang yang ginagawa niyo. Ako na ang bahala dito. Just trust me, okay? I can handle this." They look unsure at first pero nang hindi ko binawi ang tingin ko ay tinanguan nila ako at ngumiti.

"Wag mong asahang may grade ka dito," pahabol pa ni Ice.

"I don't care about that damn grade. My friend needs me now," sabi ko sa kanya nang hindi lumilingon at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Bakit ba nakalimutan kong 21 ngayon? This was supposed to be Yannie and his ex's, Tom, 3rd anniversary.


Last year, June 21, inabutan naming lasing na lasing si Yannie na tumatawid sa kalsada. Muntik na siyang mabangga noon buti na lang natulak agad siya ni Sab palayo. She's screaming and crying that time. Sana safe lang siya ngayon. Please, Lord. Sana hindi na naman gumawa ng kalokohan ang kaibigan namin.


***

Xander's Point of View

Yeah! This is life!

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon