Zoe's POV
Nakadukdok ang mukha ko sa desk habang nagtuturo si ma'am. Hindi ako makapakinig nang maayos kasi iniisip ko pa rin kung paano kami makakatulong kay Manager. Kagabi pa ako nag-iisip pero walang pumapasok sa isip ko. Hay.
"You may go. Class dismissed."
Napaangat naman ako kaagad ng ulo nang marinig ang sinabi ni ma'am. Break na. Baka sakaling may pumasok na sa isip ko kapag kumain ako.
Patayo na sana kami nang biglang huminto si ma'am. "Oo nga pala, lahat ng may kulang this quarter pumunta sa office ko." Ugh! Kainis naman. Oo nga pala. Wala akong research paper. Ngayon ko lang naalala.
"Mr. Sarmiento, Ms. Sy at Mr. Hernandez. Kayong tatlo lang ang may kulang sa record ko. See you after class."
What? Ako pa kaya. Paano ako naging kumpleto? Ah. Itatanong ko na lang kay Ayu. Siya naman leader namin noon. Baka alam niya.
Nilapitan ko si Ayu na nag-aayos ng gamit niya.
"Ayu. May tatanong lang ako."
Huminto naman siya at humarap sakin, "Ano?"
"Naaalala mo yung research paper natin? 'Yung kagroup ko kayo na ginawa natin kila Ice?"
"Oo naman. Bakit?"
"Uhh. Kasi 'di ba umalis ako ng time na 'yun kasi hinanap ko si Yannie. Uhm... nilista mo pa rin ba ako sa members? Hindi kasi ako natawag kanina sa mga may kulang."
"Oo, nakalista ka. Natapos mo naman 'yung nakatoka sa 'yo bago ka umalis noon?"
Natapos? Paanong natapos ko 'yun? Ang alam ko nga naka 3 pages lang ako. Paano nangyari 'yun?
Hindi ko na nagawang itanong kay Ayu ang nasa isip ko nang akbayan kami ni Sab, "Girls, tara na. Gutom na ako."
Habang kumakain kami ay nagplaplano na rin kami kung ano ang gagawin para matulungan si Manager.
"Hindi ganyan. Hindi pwede 'yan," tanggi ni Yannie sa suggestion ni Sab.
"Ano ba naman 'yan! Kanina pa tayo mag-iisip dito. Okay na nga 'yung naisip ko," reklamo naman ni Sab.
"Hindi nga pwede 'yan! Maghahanap ka ng ganyang trabaho? Secretary? Assisstant? Ganu'n? Ni hindi pa nga tayo gumagraduate ng highschool. Akala mo naman makakahanap ka ng work na ganyan."
"Bakit, ikaw ba may naisip? Kanina ka pa tanggi ng tanggi ha."
"At least hindi ako nagsasuggest ng kung anu-ano. Pinag-iisipan ko pang mabuti."
"Kahit na! Wala – "
"Umayos nga kayo! Nag-away pa sa halip na mag-isip na lang," saway naman ni Ayu sa dalawa. Sumunod naman sila kaagad at nanahimik ko. Napabungisngis ako sa naging reaksyon nila at narinig ata nila 'yun kaya sinamaan nila ako ng tingin. "Grabe. Nakakastress na 'to ha. Paano ba? Kanina pa tayo nag-iisip ng gagawin."
Nagsuggest pa rin ng nag-suggest si Sab at nireject at nireject pa rin 'yun ni Yannie. Si Ayu naman panay pa rin ang saway sa dalawa.
Natigil lang kami ng may mga nagsi-upo sa table namin.
"Ano na ang plano?" tanong ni Ken at nilapag ang tray na dala sa table.
"Wala pa. Hirap mag-isip. May isasuggest ba kayo?" balikat na tanong naman ni Sab.
"Kanina pa nga rin kami nagtatalo talo pero wala pa rin."
Nag-unat naman si Josh na akala mo pagod na pagod na. "Hay. Ang hirap naman kasi mag-isip ng magandang trabaho."
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)