Zoe's Point of View
Uwian na namin pero sa halip na umuwi agad ay nagpunta muna kaming No Name para kumuha ng information tungkol sa teen clash na sinasabi ng babae kanina. Matagal ng nakatira si Manager dito kaya malamang alam niya ang nangyayari sa mga eskwelahan malapit sa kanila.
Pero kung maitatanong niyo nga pala kung ano ang nangyari sa first day of class namin after namin magpuntang C.R., ang masasabi ko lang masaya. Sobrang saya. Grabe lang.
Pagbalik namin ng room wala namang nangyaring hindi kanais nais. Kaya lang noong break time, nagtagal kami kasi ang haba ng pila para sa bilihan ng pagkain. But actually, di naman siya mahaba talaga. Sadyang nagmukha lang mahaba kasi laging may sumisingit sa harap namin na mga lalaki.
Ano nangyari sa amin? Ayon, nagutom.
Habang nagkaklase naman ay nagbabatuhan na naman ng papel ang boys. Hindi na namin sila pinansin at hinayaan lang sa ginagawa nila. Pero kung minamalas ka nga naman, may tumama sa akin na papel. At ang masaklap pa du'n, may bato sa loob ng papel kaya masakit. Sasapakin ko na sana 'yung nagbato pero bago pa ako makatayo ay pinigilan na ako ni Sab.
Si Yannie naman, nadikitan ng chewing gum sa buhok. Nilapitan lang naman siya ng mukhang chickboy tapos napansin niyang may something na sa buhok niya. Ang tagal lang namin tinatanggal 'yun.
Si Sab? Ayon, sandamakmak na kabadtripan ang inabot kay Josh. Paano lagi siyabg binibwisit. Minsan nga sasabihan pa niya ng "Hoy, Leaving. Bakit ang panget mo?" na gagatungan naman ng tawanan ng boys.
Muntik na rin magwala si Ayu kanina. Napigilan lang kaagad ni Yannie. Paano naman kasi nagbreak lang sandali pagbalik namin ng classroom punit punit na 'yung libro niya. Galawin mo na kasi kahit anong gamit niya basta huwag lang ang libro niya.
O 'di ba. Ang saya. Sobrang saya ng araw ngayon. Napakasaya! Grabe!
Pasalamat sila nagbabagong buhay kami. Kung hindi baka nakatikim na sila ng flying kick at upper cut sa amin.
At ang pinakamalupit na nangyari, noong uwian na, inabutan namin ang sasakyan na may vandal at flat ang isang gulong. Kaya ito... No choice kami kaya commute ang drama ngayon.
Nang nasa No Name, dire-diretsyo lang kami sa office ni Manager. Wala ng katok katok.
"Manager!" sigaw ko pagbukas na pagbukas ng pinto.
"Naligaw ata kayo? Lunes pa lang ha."
Umupo kami sa upuan sa harap ng lamesa niya, "Magtatanong lang kami about sa new school namin. Taga dito ka naman, matagal na 'di ba?"
"Oo. Bakit? Ano ba ang gusto niyong malaman?" tanong niya at saka ininom ang kape na nasa lamesa niya.
"Ano 'ba yung Teen Clash?"
Hindi ko alam kung anong nakakagulat sa sinabi ko pero biglang naibuga ni Manager 'yung iniinom niya. "T-teen Clash? Huwag niyo sabihing sa Kingdom High kayo nagtransfer?"
"Ay, ang galing mo, Manager. Doon nga kami lumipat," ngiti ni Sab sa kanya.
"Ano?! Ang daming schools sa lugar na 'to! Bakit 'yun pa ang pinili niyo?!"
"Cute kasi ang name nung school. Kingdom. Oha," sagot ko naman sa outburst niya.
"Dapat hindi kayo nag-aral doon. Babae pa naman kayo."
"Bakit ba kasi, Manager? Ano ba 'yung school na 'yun? Saka ano nga kasi yung teen clash?" Pagbabalik ni Ayu ng tanong na hindi pa rin sinasagot ni Manager hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)