Chapter 38: Contest

2M 46.2K 12K
                                    

Sab's Point of View


This is it. Female division na. Malapit na ako. Excited na akong kumanta at magperform sa harap ng maraming tao. Namiss ko 'to. Tagal ko na kasing hindi kumakanta sa No Name kaya hindi na rin ako nakakakanta sa harap ng maraming tao.

"Ang tagal naman kumanta ni #6," reklamo ko.

"Excited ka masyado Sab," natatawang sabi ni Zoe.

Hindi ko na siya pinansin. Lumayo muna ako sa kanila at lumapit sa may malapit stage. Hinihintay matapos si #6 para si #7 na. Para pagtapos na si 7, ako na.

"Mas magaling ka pa dyan." Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong sa tabi ko.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at napapikit. "Nakakagulat ka, Josh. Pero sandali nga. Ano ulit sabi mo kanina?"

"Psh. Gusto mo lang marinig ulit, e. Huwag na. Baka pumalakpak pa tenga mo." Natawa pa siya sa sinabi niya.

Hawak hawak ko pa rin 'yung chest ko. Ang tagal naman bago mawala 'yung bilis ng heartbeat ko. OA naman pala ako kung magulat.

"Hindi," sabi ko lang sa kanya at tumalikod na para panuorin yung kumakanta. Si #7 na pala.

"Panalo ka na panigurado." Nagsalita na naman si Josh kaya napaharap ulit ako sa kanya. At teka... nakangiti pa?

Napakunot ang noo ko sa ngiti nya, "Nakakapanibago ka ngayon." This time, siya naman ang napakunot ang noo.

"Bakit?"

"Parang ang bait mo sakin ngayon."

"Ah. Ayun lang pala," tawa niya. "Ganun talaga. Nakakapagod din makipag-away sa' yo. Pero huwag kang mag-alala, bukas away ulit tayo." Adik ata 'to e

"Okay?" medyo patanong na sagot ko. Humarap na naman ako sa may stage. Hindi pa tapos si #7. "Ang tagal naman nya kumanta," sabi ko kay Josh.

"Oo nga. Naiinip na ko. Sakit naman sa tenga ng boses nya."

"Ang sama mo," palo ko sa kanya. "Okay lang naman."

"Siguro. Okay lang pero hindi maganda ang boses nya."

"Siya hindi masyadong maganda 'yung boses pero 'yung ibang nauna sa kanya maganda mga boses."

Tumango siya at tumingin sa akin. "Pero mas maganda 'yung iyo." Tapos ngumiti na naman. Nakakapanibago talaga si Josh ngayon. Kaya lang wala rin akong nagawa kaya nginitian ko lang din siya. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nagngingitian. Basta bigla na lang dumating si Zoe at pabiro akong itinulak.

"Tama na ngitian. Kanina ka pa tinatawag, Sab." Hala ako na nga pala. Ano ba yan.

"Goodluck, Sab!" sigaw nila sakin. Ngumiti at tumango naman ako sa kanila. Bago pa ako tuluyang makapunta sa stage ay narinig ko ang sigaw ni Josh, "Goodluck, Sab! Mas magaling ka pa sa mga nauna!" Napahawak na naman ako sa dibdib ko dahil doon. Nagugulat pa rin ba ako?



♫ We make our paths

We're independent

We dump our boyfriends.

And we do our hair anyway we would like

We figure out  that we are attractive

And we look around

And now we loved to live the single life

And then we tell ourselves we'll never fall in love again

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon