Ayu's Point of View
Ang bilis ng oras. Sa makalawa laban na namin sa quiz bee. Buti na lang. Naiistress na kasi ako kakabasa ng mga libro about sa History. Ang sakit sa ulo.
Habang lunch break ay tumambay kaming apat sa likod ng campus. Favorite spot ko 'to sa school palibhasa konti lang 'yung tao. Madalas nga kami lang. Medyo malayo kasi 'to sa mga rooms kaya hindi pinag-aabalahang lakarin ng iba.
Naglatag kami ng blanket at humiga sa damuhan. Saktong hindi maaraw ngayon kaya mas masarap tumambay dito. Nagtatawanan lang kami at bumubuo ng mga images sa clouds.
"Ang bilis ng time, ano?" Medyo tumagilid ako para tingnan ang nagsalitang si Zoe.
"Oo nga. Biruin mo parang last week lang first year pa lang tayo tapos ngayon fourth year na," dagdag ni Yannie.
"Parang kailan lang din nu'ng lumipat tayo sa Kingdom High at nakipag-away pero ngayon friends na natin sila," sabi ko naman.
"Parang kailan lang..." Tumingin kami kay Sab at hinintay ang kasunod niyang sasabihin. "..."
"Parang kailan lang ano?" tanong ni Yannie.
"Uhm. Parang kailan lang... Parang... Ugh! Wala akong maisip. Sinabi niyo na kasi." Kahit kailan talaga 'tong si Sab.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero parang gusto kong pag-usapan ang non-existent lovelife naming lahat. Well... except for Yannie.
Dumapa ako at nagpangalumbaba, "Zoe, 'di ba noong second year pa ang last boyfriend mo? Anong nangyari? Ayaw mo na ngayon?"
"Kung magkakaboyfriend ulit ako, gusto ko doon na sa lalaking mahal ko."
"Huh. Never ka pa naman nainlove."
"Ano bang type mo? Ni hindi ka nga ata nausuhan ng crush. May pakiramdam ka ba?" biro ni Yannie.
Sinamaan siya ng tingin ni Zoe at saka umirap, "Naman! May crush kaya ako.." Nang marining namin 'yon ay napaupo kami at tumingin sa kanya.
"Sino?!" sabay sabay na tanong naming tatlo.
"Secret," sagot niya at saka dumila. "Tigilan niyo na nga ako. Ayan si Yannie. Siya pag-usapan natin dito."
Pumalakpak si Sab at agad na ngang nagtanong kay Yannie, "Paano naging kayo ni Xander?"
Tumaas ng bahagya ang kilay niya saka siya nagkibit balikat, "It just happened."
"Posible ba 'yun?"
"Nangyari sa amin so baka."
"Mahal mo siya?" tanong ko.
Sa pagkakaalam ko hanggang ngayon mahal pa rin ni Yannie ang ex niya. Medyo naguluhan lang ako na bigla na lang naging sila na ni Xander. Parang noong anniversary lang nila todo iyak pa siya.
Hindi sinagot ni Yannie ang tanong ko. Nginitian lang niya kami.
"You're hiding something. Mind to tell us? " usisa ni Zoe.
Sa aming apat, si Zoe 'yung tipo na makakaalam sa isang tinginan lang kung nagsisinungaling, may bumabagabag o may sinisikreto ang isa sa amin. She's an observer.
Sa sinabi naman ni Zoe na 'yun ay natawa ng mahina si Yannie, "Seems like I'm about to break Rule #4."
Nagkatinginan kaming tatlo nila Zoe and Sab dahil sa sinabi ni Yannie. Anong rule #4? At bakit 4? Ibig sabihin marami pang rule?
"We're just pretending. Fake relationship lang ang meron kami ni Xander. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisip niya 'to pero mas hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumayag sa naisip niyang 'to."
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)