Chapter 1: The Story Begins

5.6M 86.1K 25.9K
                                    

Zoe's Point of View


"Yannie, may naligaw ba akong dress sa closet mo? Parang ang konti na kasi ng damit sa closet ko."

"Konti?! Halos hindi na nga maisara ang walk-in closet mo sa sobrang dami ng damit na nandoon. Ano ba ang meaning ng konti sayo? Tss. Tingnan mo na lang sa closet ko kung meron."

Ang aga-aga nagtataray agad tong si Yannie. PMS ata. Ay! By the way, hello! Ako nga pala si Zoe Davis. Ang pinakamakulit at dakilang fashionista. 'Yung nagtataray naman kanina ay si Yannie Seung - isa sa mga bestfriend ko. Sadyang mataray talaga 'yan, pero mabait naman.

"Okay. Guguluhin ko na ang closet mo. Bye!" sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa kwarto niya. Kaya lang pagliko ko ay may nabunggo ako at ayon, napaupo ako sa sahig.

"Ouch." Narinig kong sabi ng nakabunggo ko na nakasalampak na rin ngayon sa sahig.

"Sorry, Sab! Hindi kasi kita nakita."

"Syempre 'di mo ko nakita. Kaya nga nagkabungguan tayo, 'di ba? Pero okay lang. Patulong na lang tumayo." Tumayo naman ako at hinila pataas si Sab.

Siya naman si Sabrina Fortalejo. Ang simpleng elegante kong bestfriend pero wagas makapangbara. Baradong barado kami lagi sa kanya. Wala nang papalag

"Ayan, okay na. Sorry ulit, Sab. Punta muna ko sa kwarto ni Yannie."

"Easy ka lang kasi, Zoe. Nagpapakahyper ka na naman eh."

"Yes, ma'am." Sumaludo pa ako sa kanya tapos ay tuluyan nang naglakad papuntang kwarto ni Yannie.

Pagbukas ko ng pinto, may nakita agad akong nakaupo malapit sa bintana na busy na busy sa pagbabasa.

"Bakit ka nandito, Ayu?" tanong ko sa babaeng nagbabasa.

Lumingon siya sa akin at halatang naguguluhan. "Ha? Uh, kasi kwarto ko to?"

Siya naman si Ayumi Kahn. Ang tahimik at bookworm kong bestfriend. Sobrang talino nito.

"Ay, sa 'yong room ba to? Akala ko kay Yannie?"

"Sa kabilang room pa yung kay Yannie," sabi niya sabay turo pa ng daliri sa right side.

"Sabi ko nga. Sige, labas na ko. Basa ka na ulit dyan." At sinara ko na pinto ng kwarto niya.

And finally! Nakita ko na room ni Yannie. Sure na akong kanya 'to. May pagkasophisticated kasi ang style.


Siguro nagtataka kayo kung bakit nalilito pa ako sa mga rooms, ano? Kasi naman bagong lipat lang kami sa bahay na 'to. Our parents bought this house para malapit lang sa new school namin. And yes, we live together. Gusto kasi namin matutong maging independent. Pumayag naman ang parents namin since may tiwala raw sila sa amin. At saka magbebestfriends na kaming apat since I can't remember.

Last year na namin ng highschool pero nagtransfer pa rin kami ng school. Wanna know why? Kasi nakakaimbyerna ang mga tao sa former school namin. Napakaaarte. Hindi naman mga kagandahan. Saka walang thrill do'n. Ang boring.

One time nga nag-inarte 'yung isang student doon. 'Yung feeling maganda, eh hindi ako nakapagtimpi, kaya ayon, nasapak ko sa mukha. Anak pa naman siya ng principal. Kaya ang tagal na suspension nu'n. Gusto pa ngang magpaayos ng mukha para raw bumalik ang ganda niya. Sus! As if naman maganda siya.

Sa totoo lang, mahilig kaming apat na magkakaibigan makipag-away. Pero syempre kapag nasa katwiran lang. Except lang talaga nu'ng sinapak ko 'yung anak ng principal. For my own benefit lang 'yun. But don't get me wrong. Hindi kami basagulero o ano. Sadyang sanay lang kami sa mga labanan. Na-train na kasi kami bata palang para raw kaya naming depensahan ang sarili namin.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon