Sab's Point of View
Iniistretch ko ang braso ko habang naglalakad sa hallway kasama si Yannie. "I'm so hungry," reklamo ko sabay himas sa tiyan ko.
"I know. Me too! Hindi sana mahaba ang pila ngayon. I'm so hungry."
Nang makarating kami sa canteen ay agad namin tiningnan ang pila. Fortunately, hindi naman siya ganoon kahaba. Buti maaga kami nadismiss kaya konti pa lang ang tao.
"We're lucky," sabi sa akin ni Yannie at hinila na ako papunta sa pila.
"I'm starving." Tumitingkayad na ako para makita kung ano ang nasa menu ngayon.
Sinasabi ko kay Yannie kung ano ang mga nakikita ko at sa expression niya ay parang mas nagugutom lang siya. But we don't have to wait for a long time since kami na ang susunod sa linya.
Kaya lang ay nagulat na lang kaming dalawa nang biglang may sumingit sa pila. Sa unahan pa talaga namin lumagay. And of course... of course sino pa nga ba ang walang modo, antipatiko, walanghiyang animal ang gagawa nito... sino pa ba edi 'yung hinayupak na si Josh lang naman.
Kinalabit ko siya at nang harapin niya ako ay hindi ko napigilan ang magtaas ng kilay habang nakacross arms.
"Sabrina, ikaw pala yan." Oh, come on! Nagmamaang-maangan pa. Akala naman niya may maloloko siya dito. Bwisit.
"As if hindi mo alam. Layas," taboy ko sa kanya.
"Sa pila? At bakit naman?!"
"Kasi nauna kami dito. Shoo," tuloy ko sa pagtataboy.
"Sino ka naman para paalisin ako dito sa pilang 'to?"
"Sabrina Fortalejo."
"Huh?!"
"You're asking who I am, dumbass. Layas na!"
"Paano kapag sinabi kong ayoko?!"
"Then I'll make you leave."
"Ha! You think you can make me leave? You're just a girl, Sabrina," ngisi niya sa akin. Iniinis niya talaga ako ha.
"You're underestimating me, Josh."
"No. You're just overestimating yourself."
"Blah blah blah. Whatever. Go away."
Instead na umalis ay tinalikutan niya lang ako na para bang wala siyang narinig sa kahit na anong sinabi ko. Ginagalit talaga niya ako ha. Sabi na ngang gutom ako. Pero sige. Ginusto niya 'to.
Tumalikod na 'yung nasa pinakauna ng pila dala ang pagkain niya which means si Josh na ang bibili. Pero hindi pwede 'yun. Ako muna.
Bago makalagpas ang babae ay kinuha ko ang palabok na kakabili lang niya. "Ate papalitan ko 'to mamaya promise.Kahit doblehin ko pa. Basta pahiram lang muna." Pagkasabing pagkasabi ko nu'n sa babae ay agad kong tinapon sa ulo ni Josh 'yung pagkain.
Humarap naman kaagad sa akin si Josh na nanlalaki ang mata... at may palabok sa ulo. Pfft.
"Good job, Sab!" sigaw ni Yannie na nag-iihit ng tawa.
Sakto naman na dumating si Zoe kasama si Ayu at lumapit kay Yannie para tanungin kung ano ang nangyari.
"Wha the hell do you think you're doing?!" sigaw ni Josh na namumula na sa galit.
I shrugged and smiled, "Putting some palabok on your hair? Ayaw mo kasing umalis d'yan. I warned you already."
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa canteen mapalalaki man o babae. Sabagay, bihira ka lang makakakita ng tao na may palabok sa ulo.
Sumulpot naman bigla si Ice, Ken at Xander at lumapit kay Josh. "Bakit may palabok ka sa ulo?" tanong ni Ice sa kanya.
Bago pa sumagot si Josh ay umextra na ako. "Nilagay ko sa ulo niya." Proud kong sagot kahit hindi naman ako ang tinatanong.
"At sino ka para gawin 'yun sa kanya?!" sigaw sa akin ni Ice dahilan para mapataas ako ng kaunti. Okay, I have to admit, medyo nakakatakot siya kapag galit.
Bago pa ako mapaatras ulit ay hinila ako ni Zoe papalapit sa kanya, "At sino ka rin para sigawan ang kaibigan ko?!" ganti ni Zoe para sa akin at tiningnan ng masama si Ice kaya natahimik naman itong isa.
I have to admit ulit, nakakatakot din si Zoe kapag nagagalit.
"Babae kayo at dito kaya nag-aaral sa Kingdom High," pagsali ni Ken sa usapan.
Nilipat ni Zoe ang tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay, "O tapos?"
"You should know where you stand," sagot ni Ice.
"Alam namin kung saan kami lulugar. Kaya nga ito kami ngayon at hindi pumapayag na api-apihin niyo," pagsingit naman ni Ayu.
"Wala pang babae ang lumalaban sa amin. We're boys. Kami ang pinakamataas sa eskwelahan na 'to." A very bullsht statement from Josh as expected.
"That was before... before we came. No one dares to contradict you and your kind kasi natatakot sila sa inyo. Akala niyo kasi kung sino kayo kung umarte. Feeling niyo ang taas taas niyo," nandidiring tingin ni Yannie sa kanila.
"At kayo? Hindi kayo natatakot? Kung alam ko lang, nagtatapang-tapangan lang kayo ngayon. Alam kong hindi niyo kami kayang labanan. Babae lang kayo," ngisi ni Xander.
Natawa si Zoe at saka umirap, "Huwag kang magyabang d'yan, tsonggo ka." And Xander looks so offended dahil sa tinawag ni Zoe sa kanya. "Huwag mo kaming minamaliit. Oo, kami ang lalaban sa inyo. You better watch out." Nginisian ni Zoe ang apat at saka sila tinalikuran para pumunta sa pinakamalapit na lamesa at saka tumayo doon.
"Lahat kayo! Makinig kayo sa akin!" utos niya at para namang de baterya ang lahat na nagsitinginan nga sa kanya. "Starting from this day, hindi na ako papaya na magpaapi sa inyong mga walang kwentang magpamataas na lalaki! Huwag nito nang balakin ang apihin ako at ang sino mang babae sa ekswelahan na 'to. Pantay pantay lang tayo ng binabayad na tuition fee kaya wala kayong karapatan maghari-harian! Kung gusto niyo na kayong mga lalaki lang ang nasusunod, huwag na kayong mag-aral dito. Magtransfer na lang kayo sa school for boys! Kaya simula ngayon, tatandaan niyo, na ang mga lalaki at babae na nag-aaral sa Kingdom High ay magiging pantay pantay!"
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)