Zoe's Point of View
"Kahapon, you and Sab saw this clothes na binigay sa 'yo ng kung sino man kasi alam niya na marurumihan ka. And now, nangyari ulit 'yun," sabi sa akin ni Ayu na nakaharap pa sa salamin sa washroom ng girls na parang nag-iisip nang malalim.
"And so?"
"Hindi ba parang ang weird?"
"Bakit naman?"
"Parang there's someone that's trying to help you. Parang alam niyang may mangyayaring hindi maganda sa 'yo kaya gumagawa siya agad ng solution sa problema mo. Savior kumbaga."
Hmm. May point siya in all fairness.
Two times. Two times na akong naliligo sa pintura. At two times na rin may nagpapadala sa akin ng damit. Swear, bukas na bukas magbabaon na ako ng damit.
Pero... sino nga kaya 'yung nagpapadala sa akin ng damit? Nakakaintriga naman kasi. Pakiramdam ko nga may savior ako. Bukod kasi sa damit, may unusual din na nangyari sa akin kanina. Nagbreak kasi nu'n tapos bumaba kami saglit nila Ayu. Pag akyat ko nakita ko na lang na sira sira na 'yung isa kong book. At first okay lang sa akin kasi ano ba namang pakialam ko doon sa libro. Pero nang nakita ko na math book ko pala 'yun, parang nalaglag ang puso ko. Terror ang teacher namin du'n. Kapag walang book, may punishment.
Kahit masakit sa loob ko ay hinayaan ko na lang na wala akong book. Next time na lang ako gaganti.
May kaunting time pa bago magstart 'yung subject na 'yun kaya lumabas muna ako sandali. Nagulat na lang ako pagbalik ko na may bagong math book na sa harap ko. At may note na naman. Para raw sa akin 'yun kaya kinuha ko na. Tatanggi pa ba ako sa grasya?
***
Club time...
I have a good and bad new. I'll start with the good news. Nagandahan sa prinesent kong portfolio ang moderator ng Photograph Club kaya nagtanggap ako. Ang bad news nga lang, nagandahan din sila sa prinesent ni Ice kaya pati siya ay natanggap.
Balance talaga minsan ang mundo. Kapag may magandang nangyari, may kasunod na agad na pangit na ganap.
Inaayos ko ang portfolio ko pati 'yung ibang pictures na dinala ko kaya medyo nakayuko ako sa lamesa.
"Pakibilisan. Aayusin ko na rin 'yung akin," sabi ng boses sa likuran ko. Si Ice 'yun, alam ko. Kahit hindi ko nakikita.
"Bakit hindi mo na ayusin ngayon? Laki laki ng space," irap ko kahit hindi naman niya nakikita.
"Ayokong makasabay ka sa pag-aayos." Ang arte ng antipatikong 'to. Para namang may sakit ako na nakakahawa. Saka feeling ba niya gusto ko siyang sabay? Eww.
At dahil sa hindi ko na ma-take makashare sa iisang lugar ang lalaking 'to, minadali ko na ang pag-aayos. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay tumalikod agad ako.
Mismong pagtalikod ko, I felt something soft against my lips.
Wait...
What?!
First... first kiss ko! 'Yung first ko! Wala na ang first kiss ko. Bakit?! Anong ginawa kong masama noong past life ko para mangyari sa akin 'to?
Ang pinakamasaklap pa ay sa kaaway ko siya napunta. Napakasakit sa damdamin nito. Hindi na virgin ang lips ko! Nakakaasar! Maski nga sa naging ex ko hindi ako nagpapakiss tapos sa walang kwentang Ice lang pala mapupunta ang first kiss ko?! Sobrang unfair ng mundo!
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)