Chapter 22: Seven Rules

2.3M 53.2K 15.4K
                                    

Yannie's Point of View


"Girls, tara na! Male-late na tayo!" sigaw ko sa tatlo. Napakatatagal kasi. Ni hindi na nga kami nakapagbreakfast kasi pareparehas kami nahimbing ng tulog. Palibhasa masarap matulog kagabi since umuulan.

Nagmamadaling bumaba si Sab at Ayu. Hindi pa nagsusuklay si Sab at may polbo pa sa noo si Ayu. Si Zoe na lang ang hinihintay as usual.

"Ang bagal talaga ni Zoe kahit kailan," reklamo ni Sab habang nagsusuklay.

Kapag hindi siya minadali walang mangyayari. Kaya inakyat ko na ang kwarto ni Zoe. At wow naman. Nakahiga pa ang loka. Nakatalukbong pa ng kumot. Chill na chill ha.

"Uy, Zoe, gising. Late na tayo." Niyuyugyog ko siya pero hindi pa rin natitinag kaya tinanggap ko na ang kumot at saka ulit siya niyugyog. "Zoe! Gising na. Malapit – huh? Teka. Okay ka lang ba?" Nang madikit ang kamay ko sa balat niya saka ko lang narealize na nilalagnat pala siya. Malamang dahil 'to sa nagpaulan siya kahapon.

"Hindi pa ba bumabangon?" sulpot ni Ayu na may dala ng tinapay at gatas na nakakarton.

"May lagnat. Mauna na kayo. Hindi na lang ako papasok para maalagaan 'to."

"Ako na lang magbabantay," prisinta ni Ayu.

"Hind na. Masisira attendance mo. Ako na lang magbabantay sa kanya," singit naman ni Sab at nakataas pa ang isang kamay. Feeling ata niya may recitation.

"Ako na nga lang 'di ba? Nauna na ako. Ako na magbabantay sa kanya."

Nagtalo-talo lang kaming apat sa kung sino ang magbabantay kay Zoe. Natahimik lang kami nang biglang umupo si Zoe at pinatahimik kami. "Kaya ko ng mag-isa. Hindi naman malala 'to. Lagnat lang naman. Sige na. Umalis na kayo."

"Pero wala kang kasama dito." Pangangatwiran ko.

"Kaya ko na. Kapag hindi pa kayo pumasok sisipain ko talaga kayo palabas ng bahay. Go na. Shoo!"

Sa lahat ng may sakit siya lang 'yung ganyan. Kaya kahit hindi naman namin gusto ay umalis na nga lang kami at iniwan siya. Uuwi na lang ako ng maaga mamaya para maasikaso siya.


Nang makarating na kaming school ay saktong kakarating lang din ng apat na lalaki. 

"Good morning!" bati nila samin. Hindi pa rin talaga ako sanay na ang normal namin mag-usap.

"Kulang ata kayo, Yannie?" tanong naman ni Josh.

"Wala si Zoe," sagot sa kanya ni Sab.

"Yannie nga 'di ba? Si Yannie ka ba?"

"Sinasagot ko na nga ang tanong mo nagrereklamo ka pa."

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko." Ayan na naman po sila. Nagbabangayan na naman. Hindi ata mabubuo araw nila ng hindi nag-aaway. Magkakasunod pa kaya ang dalawang 'to?

"Wala kang pakialam. Gusto ko sumagot."

"Isa pa, sige. Subukan niyong dugtungan 'yang sagutan niyo at tatapalan ko ng tape 'yang bunganga niyo," banta ni Ken kaya napatikom ng bibig yung dalawa na naging dahilan ng tawanan namin.

"Tsk. Yannie," diin ni Josh sa pangalan ko dahilan para makatanggap siya ng irap kay Sab. "Naasan na nga ba si Zoe? Nauna nang pumasok sa loob?"

"Wala. Nasa bahay. Hindi muna papasok."

"Bakit?"

"Mataas kasi lagnat," sabat ni Ayu.

"Ah. Kaya pala. Anong lagay niya?"

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon