Ice's Point of View
"Gusto mo si Zoe, Ice?"
Hindi ako nagalawa nang may marinig akong ibang boses. Hindi boses ng lalaki 'yun kaya imposibleng mga kasama ko ang nagsabi nu'n.
Nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling 'yung salita at nanglaki ang mata ko nang makita sina Ayu, Sab at Yannie. Sa dinami-rami ng pwedeng sumulpot, 'yung mga bestfriends pa talaga ni Zoe.
"K-kanina pa kayo dyan?" Nauutal na tanong ni Xander.
"Oo. Huwag mo na rin balakin itanong kung anu-ano ang narinig namin," sagot naman ni Yannie.
"Kailan pa?" Nalipat ang tingin ko kay Ayu na nagtatanong.
"Oo nga, Ice. Kailan pa?" gatong naman ni Xander. Shit 'tong lalaking 'to. Siya ang may kasalanan kung bakit narinig ng mga babae na may gusto ako kay Zoe pero... tsk.
Pinalibutan nila ako. Nakapaikot pa talaga sila sa akin. Tanging si Josh lang ang hindi. Nakatayo siya sa may gilid at pinapanuod kami.
Tiningnan ko sila isa-isa. Mukhang hindi ko na rin naman malulusutan 'to kaya aamin na lang ako. "Matagal na. Hindi pa tayo magkakakilala."
Nanglaki ang mga mata nila. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na may gusto ako kay Zoe noon pa man?
"Paano?" usisa ni Sab.
Tiningnan ko si Josh at mukhang naintindihan naman niya na wala ako sa mood magkwento kaya siya na ang nagkwento para sa akin.
"Ganito kasi 'yan..." Panimula ni Josh. Napatingin naman agad sa kanya 'yung lima at siya naman ang pinalibutan.
Lumayo na ako sa kanila at umupo sa bench saka pinakinggang ang kwento ni Josh. Mahirap na, baka mamaya may mamali sa kwento niya at mapahamak pa ako.
Nakakatawa na ang dami ng nakakaalam pero 'yung mismong taong gusto ko wala pa rin kaalam alam.
"Napakatorpe mo naman, Ice," sabi ni Ken nang matapos magkwento ni Josh. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya kasi hindi ko naman pwede sabihing hindi ako torpe kasi halata naman na.
"I find it cute though, " ngiti sa akin ni Ayu.
"Huh? Paano naman naging cute 'yun?" kunot noong tanong ni Ken.
Lumapit si Ayu sa kanya at umakbay, "Alam mo kasi, Ken, mas okay pa 'yung lalaking hindi sinasabi 'yung feelings niya at nagpapakatorpe pero totoo 'yung nararamdaman kaysa naman sa mga dumidiskarte nga at nagpapakavocal pero mga hindi naman totoo at purong pangbobola lang 'yung sinasabi." Tumango tango naman si Sab at Yannie bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Kung magpapakatorpe lang siya at itatago lang ang nararamdaman niya, mahirap naman 'yun. Paano kapag naunahan siya ng iba? Paano kapag hinihintay lang din pala siya ng babae na umamin ng nararamdan niya?"
Tinanggal naman ni Ayu ang pagkakaakbay kay Ken at napahawak sa baba niya, "May point ka diyan."
"Sabihin na lang natin na okay lang ang magpakatorpe paminsan minsan. pero dapat alam mo rin kung kailan ka dapat umamin sa nararamdaman mo," dagdag ni Sab.
"Kailan mo balak umamin nyan, Ice?" tanong sa akin ni Yannie.
Natawa naman si Xander at umiling, "Ang tanong, may balak ka bang umamin?"
Trip na trip ako ng mga 'to. Laging ako na lang nilalagay sa hot seat. Tsk.
Nagkibit balikat lang ulit ako. Kasi sa totoo lang hindi ko rin alam kung kailan ako aamin... kung magagawa ko bang umamin.
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)