Zoe's Point of View
Nagsimula na naman ang panibagong week. Hindi na ako hihiling ng peaceful week kasi sa school na pinasukan ko, imposible na mangyari 'yun.
"Class, baka nakakalimutan niyong ngayon ang deadline ng research na pinagawa ko. Pass it before kayo idismiss, okay?"
Oo nga pala. Wala nga pala akong research paper. Napakasaklap. Bawi na lang ako next time.
Habang nagdidiscuss si ma'am ay hindi ko magawang makinig. Gusto ko talaga sana kaya lang inaantok ako sa tinuturo niya. First subject para sa first day ng week pa naman tapos sobrang boring. Nakakaantok.
"Get one whole sheet of paper. May quiz tayo ngayon."
Hala! Quiz?! Kung kelan hindi ako nakinig! Grabehan 'to. Gising na gising na ngayon ang kaninang natutulog kong diwa.
Nagkuhanan naman ng papel ang mga classmate ko at binigyan na rin ako ni Yannie ng papel.
"Hindi ka nakinig, ano?Umamin ka," bulong sa akin ni Yannie habang inaabot ang papel. Pinagtatawanan pa ako ng bruha.
Sumibi na lang ako kasi totoo naman. Hindi ako nakinig.
"Sabi na nga ba. Ano, kopya ka na lang?"
"No. Mahuli pa tayo, madamay ka pa. Mabait ako kaya hindi ko hahayaan 'yun," biro ko sa kanya. "Keri ko rin naman magkaroon ng isang bagsak. O kahit marami pa. Sanay na ko dyan. Basta babawi ako sa dulo"
"Baliw! Magbago ka na nga. Umayos ka."
Pinaayos na kami ni ma'am kasi magsisimula na raw ang quiz. Tumahimik na ang klase. Nagtanong tanong na rin si ma'am. Habang iniisip ang sagot sa tanong niya ay medyo nalingon ako sa right side ko. Katapat ko nga pala 'yung apat na lalaki. Huling huli ko na nangongopya si Xander kay Ken pero hindi ko na lang pinansin. Ayoko ngang umeksena. Nagquiquiz tapos eepal ako?
Item number 17 na. Few more questions at tapos na.
"Ma'am, nangongopya po si Zoe kay Yannie. Nakita ko pong tumingin siya sa paper ni Yannie."
Ano?! Makaimbento 'tong Xander na 'to. Siya ang nangongopya, hindi naman ako!
"Ms. Davis and Ms. Seung, guidance office. Now!" sigaw ni ma'am habang nakapoint pa 'yung hintuturo niya sa may pinto.
"Pero po ma'am..."
"I said pumunta na kayo sa guidance."
Tsk. No choice. Sumunod na lang kami. Bago kami tuluyang lumabas ng room I gave Xander and the other three one last look. Leche! Hayop na Xander 'yan. Nakuha pang ngumiti.
Nang makalabas na kami ay saka ako nagreklamo. "Nakakainis talaga. Ang childish ng move na 'yun."
"Sinabi mo pa. Kainin sana siya ng lupa. Zero na nga tayo for that quiz tapos na-guidance pa. Ang saya. Grabe. Ang saya talaga."
Nagkarecord kami sa guidance. Wala namang suspension na naganap kasi isang beses pa lang naman daw namin ginawa. Isang beses daw. Ni hindi nga namin talaga ginawa 'yun. Hindi naman kami nangopya. Ayaw naman makinig sa explanation namin. Nasaan na ang right ko bilang isang estudyante? Kainis!
Second period na nang makabalik kami ng room. Wala pang teacher nang makapasok kami. Pag-upo na pag-upo namin agad naman kaming tinanong ng dalawa.
"Anong nangyari? Anong sabi?" tanong ni Ayu.
"Nagkarecord lang kami. Kainis nga eh."
"Magkokopyahan na lang kasi nagpapahuli pa," tawa ni Sab.
"For your information, Ms. Sabrina Fortalejo, hindi kami nangopya. Sadyang 'yung ibang tao diyan, mapagawa lang ng kwento." Pagpaparinig ko kay Xander.
Natigil naman kami sa kwentuhan nang dumating si sir. Oh no. History na. Another boring subject.
Pinagdikit ni sir 'yung both rows para raw maaninaw namin 'yung presentation niya. Nahihirapan daw kasing makakita ang mga nasa dulo. Kaya sa ayaw at sa ayaw ko man, katabi ko ang hari ng yabang na si Josh.
Nagdidiscuss na si sir nang kausapin ako ni Josh, "Kamusta guidance? Ayos ba? Pakiramdam ko magiging suki kayo doon. Suspension na kapag nakatatlo kayo 'di ba? Tsk. Tsk. Wag kasi lantaran ang kopyahan." Umiling iling pa siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Guidance ba kamo? Gusto mo malaman kung kamusta na? At magiging suki ba kamo ng guidance? Let's see," I smirked at him.
Tinaas ko ang kamay ko habang nagdidiscuss si sir kaya natuon ang atensyon niya sa akin.
"Any question, Ms. Davis?"
"Wala po akong tanong, sir. May irereklamo lang po ako. Ito po kasing katabi ko, si Josh, panay kausap sa akin. Dinadaldal po ako kanina pa. Hindi po tuloy ako makapakinig sa inyo. Sabi po niya ang boring ng subject niyo."
Gulat na gulat naman si Josh habang nagpipigil ng tawa 'yung tatlong bruha. At si sir? Halos umusok ang ilong. Ayaw niyang nasasabihang boring ang subject niya kahit boring naman talaga.
"Sir, hindi ko po sinabi 'yun. Promise!" Tumayo pa si Josh habang nakataas 'yung right hand.
"Mr. Alonzo, please go to the guidance office. Immediately. Hintayin mo ko doon." Ooh. Nakakatakot pala talaga 'tong si sir.
"Kinakamusta mo guidance, 'di ba? See for yourself. And sabi mo na magiging suki ako ng guidance? Then might as well take you with me," bulong ko sa kanya bago siya tuluyang makalabas.
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)