Chapter 36: Truth or Dare

2.5M 59.3K 33.5K
                                    

Ice's Point of View


Palabas na ko ng bahay nang pigilan ako ni Ate Cass, "Hoy lalake! Saan ang punta mo?"

"Kila Zoe."

"Talaga?! Bati na kayo nila Zoe?! Kailan pa?! Paano nangyari?!" sunod sunod na tanong niya.

Sandali nga! Bakit ko ba nasabi 'yun? Hindi pa nga pala alam ni ate na bati na kami ng girls. Baka kasi sabihin pa nya kay Manager Ry. Pagnalaman pa nila 'yung dahilan kung bakit kami nagkabati, baka masira pa plano naming pagtulong sa kanya.

"Ha? Sinabi ko bang Zoe?" pagmamaang-maangan ko.

"Oo kaya. Rinig na rinig ko. Sabi mo... kila Zoe." Sinubukan niya pang gayahin ang boses ko.

"Wala akong sinabing, Zoe. Sabi ko... Joey. Oo. Joey ang sinabi ko."

"Huh? Joey? May kaibigan ka bang Joey?" Napakachismosa naman nitong si ate. Tsk.

"Meron."

"Bakit parang hindi pa siya nagpupunta dito?"

Bigla namang sumulpot sa pagitan namin si Ashley at tinusok ang pisngi ni ate. "Chismosa mo lang, ate. Dapat nagpulis ka na lang, e. Dami mong tanong."

"Nagtatanong lang naman. Bahala nga kayo dyan," sabay walk out niya.

Nang makalayo na si Ate Cass ay nakipag-apir ako kay Ashley, "Nice."

"You owe me one, kuya. Nga pala, anong gagawin mo kila Ate Zoe? Practice again?" tanong niya.

"Oo. Alis na ko. Huwag kang dadaldal kay Ate Cass, ha. Baka umabot pa kay Manager Ry 'yan. Bye!" paalam ko sabay gulo sa buhok niya.

Lalabas na sana ako nang hilahin niya ang braso ko. "O? Bakit na naman? Aalis na sabi ko."

"Sama ako," pagpapacute pa niya.

"No. Dito ka lang."

"Please? Miss ko na sila Ate Zoe. Makikipagkwentuhan lang ako."

"Hindi pwede, Ash. Magprapractice kami. We need to focus. At saka miss miss ka dyan. One week pa lang ata kayo hindi nagkikita tapos miss mo na agad?"

"Sus. Ikaw nga if I know namimiss mo rin agad si Ate Zoe kahit isang araw pa lang kayo hindi nagkikita. Kaya nga alis na alis ka na."

Ano bang sinasabi nito? Sino bang matinong tao ang makakamiss agad sa isang tao kung one day pa lang sila hindi nagkikita? Tsk.

"Uy, jinojoke lang kita. Huwag kang mamula nang ganyan," tawa pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na. Hindi pa ako nakakalayo nang narinig ko ang sigaw niya. "Kuya! Sabihin mo sabi ko I miss you! Ako nagsabi! Sabihin mo 'yan! Kapag hindi mo sinabi pupunuin ko ng stickers na Perry the Platypus ang kwarto mo!"

Hay. Kapatid ko ba talaga 'yan? Bakit ang iingay nila? Ampon lang kaya ako?



Bago magpunta kilay Zoe ay dinaanan ko muna ang tatlo. Nauna akong dumaan kila Xander.

"Hey!" bati niya sa akin at sumakay sa may shot gun seat. "You set it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotion, watching the shadows burning in the dark. And I'm in love. And I'm terrified for the first time and the last time in my only life."

Kanta siya nang kanta. Paulit ulit niyang kinakanta ang lines na 'yun. Five times? Six times? Seven times? Eight times?

"Tumahimik ka na nga."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon