Chapter 49: Sana

1.9M 44.1K 10.2K
                                    

Ken's Point of View


"Grabe. All this time ang akala ko si Josh ang gustong ipa-date sa akin ni daddy," sabi sa akin ni Ayu habang nakahiga kami sa dumuhan at pinagmamasadan ang mga bituin.

"Sorry, hindi ko agad nasabi sa'yo. I want to surprise you."

"I was surprised. Pero teka. Paano nangyari 'yun? Paano mo nakilala ang dad ko?"

"Naalala mo nung nagpunta akong ibang bansa? Pagkatapos ng kasal ng pinsan ko, nagtanong tanong ako tungkol sa company niyo. Pinuntahan ko ang dad mo. Kinausap ko siya. Sabi ko na seryoso ako sa 'yo. Hindi ko alam kung paano nangyari pagkatapos nu'n. Basta ang alam ko lang pagkatapos, pinayagan na niya akong ligawan ka."

"Huh? E hindi ka pa naman nanliligaw noon di ba? I was avoiding you that time. Bakit ginawa mo pa rin 'yun?"

"Syempre pinapaalam ko na sa daddy mo hanggang maaga pa. Tulad nga ng sabi ko nang makauwi ako dati, wala akong planong sukuan ka. Susuyuin kita kahit anong mangyari."

Natahimik siya sandali at tumango. "Paano naging magkakilala si Josh at ang daddy ko?"

Tumahimik lang din ako sandali at nagbuntong hininga. "Ang sabi sa akin ng daddy mo ako ang magsabi nito sa 'yo. Hindi dahil sa naduduwag siya o ano. Ang sabi niya kung siya ang magsasabi, malaki ang chance na hindi mo siya pakinggan."

Naramdaman kong tumingin siya sa akin. "Magsabi ng ano?" tanong niya at umupo.

Umupo na rin ako at hinawakan ang kamay niya. "Josh will be your stepbrother. Anak sya ng fiancé ng daddy mo. Si Tita Fe. I know her Ayu. She's a good mother – a good person. Hindi ba ang sabi mo dati natatakot kang maging sabit sa pamilya nila? Don't be afraid, Ayu. I'll guarantee you that she will treat you right. She'll love you just like how she loves Josh. Give her a chance."

"I know, Ken. Alam kong hindi ako magiging sabit sa magiging bagong pamilya ko. I was too selfish before kaya hindi ko sila nagawang harapin. Pero ngayon I'm ready to face them. Dahil nga siya ang mom ni Josh, naniniwala akong mabuti siyang tao. Kasi mabuti rin ang anak niyam" sabi niya sa akin na medyo nangingilid pa ang luha.

Niyakap ko si Ayu. Finally. Nagawa na niyang tanggapin at hayaan magmahal ulit ang daddy niya.

"Ayu?"

"Hmm?"

"Tingin ka sa langit," tinuro ko rin yung langit at tumingala naman siya.

May fireworks na pumutok at may mga lobo na lumipad kung saan may nakasabi na "Will you be my girl?"

Napatingin siya sa akin at tuluyan na ngang pumatak ang luha niya. "Yes. Yes, Ken. I'll be your girl." For a moment napatulala ako sa kanya. At nang magsink in na lahat ng sinabi niya ay niyakap ko siya nang mahigpit. "I love you so much, Ayu."

"I love you, too, Ken."



***

Sab's Point of View


"Huy, Sab. Tulala lang?" tanong sa akin ni Yannie at umupo sa tabi ko. Nasa may canteen ako.

"Psh. Hindi."

"Sige. Kunyari naniniwala ako," sabi lang niya at kumain na. Ilang sandali lang ay nagsalita ulit siya. "Ah. Kaya pala tulala. Nagseselos."

Huh? Nagseselos? Sinong nagseselos? Ha! Asa naman. Selos? Hindi, ha. Walang nagseselos dito.

"Huwag mo kasi tingnan masyado para hindi ka masaktan. You enjoy being hurt. Nakita mo na ngang magkasama, tititigan mo pa."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon