Chapter 50: Debate

2.1M 51.2K 33.6K
                                    

Josh's Point of View


Badtrip talaga 'yung lalaking 'yun. Epal.

"Josh, okay ka lang ba, anak?"

Napatingin ako sa mama ko at ngumiti. "Oo naman, Ma. Okay lang ako."

"Parang hindi naman."

"Sus, Ma. Paano mo naman nasabi 'yan? Ayos lang kaya ako."

Tumawa pa ko at hinampas ang dibdib ko para maniwala siya.

"Huwag ka nang magsinungaling," iling sa akin ni Ayu. "Halatang hindi ka okay. Sinong okay na tao ang magsasalin ng tubig sa basong punong puno na ang laman?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa hawak kong pitsel.

"Ay, shit!" sigaw ko at inilayo ang pitsel.

"At sino rin ang matinong tao na kakain nang kakain habang nakabaligtad pa ang pinggan?" Yumuko ako para tingnan ang pinggan ko. Baligtad nga pero may laman na.

"Ano bang problema, hijo?" tanong ng daddy ni Ayu.

"Hay nako, Dad, hindi naman sasagot ng matino 'yang si Josh. Ako na lang ang magsasabi ng problema niya." Umayos siya ng upo at nagpatuloy. "Kasi po nagseselos 'yan. Type kasi niya si Sab kaya lang – "

"You mean si Sab na kaibigan mo?" Tumango naman si Ayu.

"Good choice, Josh. Napakabait na bata niyang si Sab. Maganda pa at nakakatuwa. Magaling kang pipili."

Itinanggi ko naman ang sinabi ni Ayu. "Hindi po. Nag-iimbento lang 'yang si Ayu."

"Hindi ako imbento. Alam ko kasi nakikita ko 'yung tingin mo sa kanya. Akala mo hindi ko napapansin 'yun? Saka kanina nang inabutan mo sa bahay si - " Naputol ang sinasabi ni Ayu nang takpan ko ang bibig niya. Napakadaldal.

Hayop kasing Drake 'yan, e. Napakaangas. Sarap bangasan ng tatlo nang magtino.


Pagkatapos naming kumain ay lumabas ako para magpahangin. Umupo ako sa may swing. Sandali lang ay sumunod na rin si Ayu at umupo sa katabing swing na inupuan ko.

"Alam mo, Josh. Ang tanga mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Makatanga naman kasi. "I mean ang hina mo makaramdam. Hindi mo maramdaman 'yung feelings mo para kay Sab. It's obvious. You're jealous."

"Psh. Jealous mo mukha mo."

"Hirap sa 'yo, e. Ayaw mo i-admit sa sarili mong nagseselos ka kay Sab at Drake. Kitang kita ko kaya 'yun. Kanina lang sa bahay nu'ng sinundo mo ko inabutan mo si Drake doon. Halos mapatay mo na nga siya sa tingin mo. Kaya lang, huwag kang mag-alala kasi nga, wala naman si Sab doon."

"Angas kaya ng lalaking 'yun."

"Mabait kaya 'yun. Mukha lang maangas kasi hindi naman kayo close. Saka hello? Wala naman siyang ginagawa sa 'yo kanina. Paano mo nasabing maangas?"

Ayun lang. Wala nga siyang ginagawa sa akin kanina.

"Nasabi mo lang na maangas siya kasi nga ayaw mo sa kanya. Ayaw mo sa kanya kasi sila ni Sab." Naramdaman kong tumingin siya sa akin. Pero ako, tumingala lang at tumingin sa langit. "Kung alam mo lang."

"Ano? May binulong ka ba?" tanong ko sa kanya. Para kasing may sinabi siya. Hindi ko lang narinig.

"Wala. Sabi ko papasok na ko."



***

Kinabukasan sa school, dumiretsyo na ako sa may classroom. Nilapag ko lang ang bag ko at nag-ikot-ikot. Napahinto ako nang may narinig akong pamilyar na tawa. Oo, pati tawa niya alam ko na.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon