Zoe's Point of View
Kalagitnaan ng week at as usual ay ganoon pa rin ang sistema namin. Palagi pa rin nag-aaway. Minsan talo; madalas panalo.
"Mukhang tahimik ang boys ngayon. Walang kabulastugang ginagawa," pansin ni Sab sabay kagat sa kinakain niyang sandwich.
"Baka sumuko na," sabi ko sa kanya.
"Aga naman. Di pa nakakaisang buwan sumuko na agad. Baka nag-iisip lang ng gagawin."
"Wow. Bago 'yun. Marunong sila mag-isip?"
"Oo nga pala walang isip mga 'yun," panggagatong ni Sab dahilan para matawa kami parehas at nag-apir.
Nagkwentuhan lang kaming dalawa sa canteen habang kumakain ng lunch. Nasa library kasi si Ayu kasama si Yannie. Mag-aaral si Ayu samantalang matutulog si Yannie.
Maaga aga pa naman. 30 minutes pa bago mag-time kaya niyaya ko muna si Sab sa may bench sa gilid ng building. Sa tabi lang ng bintana ng classrooms.
Nang makarating na kami doon ay nagkwentuhan lang ulit kami.
"Wala bang clubs sa school na 'to? Pang two weeks na natin dito pero wala namang nababanggit mga teachers about doon," tanong ko kay Sab.
"Oo nga. But in case na may clubs, sa Dance Club ako sasali syempre."
"Alam ko na yan. Ikaw pa. Ako sa – ahhh!"
"Oh no, Zoe!"
Woah. Woah. Grabe. Biglang may tumapon na pintura sa akin. Or should I say, may nanadyang magtapon ng pintura sa akin. Nakatayo kasi si Sab at ako lang ang nakaupo sa bench. Bigla na lang kasing may nalaglag na lobo sa ulo ko at may laman na pintura ang lobo na 'yon. Mukha tuloy akong buhay na painting ngayon. Nakakainis!
Tumingala ako para tingnan kung saan nanggaling ang lobo. Second floor. Sa classroom namin to be specific.
"Ugh! I'm a mess."
"Magpalit ka muna ng damit."
"Wala pa tayong spare na damit sa locker room, 'di ba? Saan ako kukuha ng damit. Nakakairita talaga. Uuwi na lang ako. Sa lagay kong 'to for sure naman papauwiin ako 'di ba?"
Naglakad ako pabalik ng room para kunin 'yung bag ko. Pinagtatawanan ako ng mga lalaking nadadaanan ko habang ang mga babae naman ay tinitingnan nang masama ang ibang boys na tumatawa. Kahit wala man magpoint out ng nangyari, alam kong alam na nilang lahat kung ano 'yun.
Pagpasok naman namin ng room ni Sab ay wala ng tao. Wala na rin yung nagbato ng lobo sa akin. Buti naman. Kung andito pa siya o sila baka hindi ko sila matantsya.
Kukunin ko na sana 'yung gamit ko nang may nakita akong box na nasa ibabaw ng armchair ko. Mukha bang patungan ang armchair ko? Nagpapatong ng gamit nila sa hindi naman nila pwesto. At dahil sa badtrip ako ngayon, tinapon ko lang 'yung box sa sahig at kinuha ang mga gamit ko.
"Una na ko, Sab. Pasabi na lang sa dalawa."
Nagpaalam na ko sa kanya. Hindi ko na rin siya hinintay sumagot kasi alam naman nila na kapag badtrip ako ay di ako makakausap ng matino.
Nasa may pintuan na ako nang tawagin ako ni Sab. Lumingon naman ako sa kanya. "Not now, Sab. Sa bahay na lang."
"Zoe, wait lang."
"Bakit ba kasi?! Uuwi na nga sabi ako!" sabay lingon ko sa kanya na nakatunganga lang at nakatingin doon sa box na tinapon ko sa sahig.
"Wag ka nang umuwi," sabi niya at hindi pa rin ako nililingon. Yumuko siya para kunin ang box.
"Hello, Sab?! I look like a mess. Wala akong damit dito. Wala pa rin kayong extrang damit. Kaya pwede ba, mauna na ko," sabay talikod ko sa kanya.
"Itong box... para sa 'yo ata." Huh? Agad naman akong tumingin sa kanya at lumapit.
May hawak siyang card na galing ata sa loob ng box at binigay sa akin 'yun.
Zoe,
Wear this clothes, okay? Huwag ka nang magtaka kung kanino man 'to nanggaling. Basta suot mo na lang. Alam ko namang kailangan mo ng spare clothes ngayon.
"Weird. Nakatanggap ka ng clothes just when you need it the most. Maybe it's another prank. Go check it. Dali."
Kinuha ko naman 'yung damit at tiningnan kung may butas ba or sira or kahit na ano man na magpapahiya na naman sa akin. Pero wala akong nakita. It's perfectly fine.
"Okay naman 'to."
"Suot mo?"
"Oo. There's no harm in trying. Sama ka ba o diyan ka na lang? Magpapalit at maglilinis na ko."
"Sama ako. Pero alam mo, we should thank kung sino man nagbigay niyan. Aba, savior mo 'yan."
***
"Bukas nga pala 'yung simula ng mga clubs niyo. Ngayon, ilista niyo kung anong club ang pipiliin niyo at isubmit niyo sa akin 'yan mamaya. Babalik ako dito after class kaya wala munang uuwi. By clubs ang paglista niyan ha." Umalis na si ma'm para hayaan kaming magdecide muna.
Parang kanina lang pinag-uusapan namin ni Sab 'to tapos ngayon ayan na.
"Anong club kukunin niyo?" tanong ni Yannie sa amin.
"Anu-ano ba 'yung clubs? Sana diniscuss man lang 'yan sa atin kanina 'di ba?" Nakapalumbabang reklamo ni Ayu.
Bigla namang naglapitan sa amin 'yung ibang classmate naming babae.
"Anong club kukunin niyo?" tanong ng isa sa kanila.
"Anu-anong clubs ba meron dito? Paki-explain naman, please," sabi ko sa kanila.
"Unlike other schools, super konti lang ng clubs dito. Sports, Dance, Photography, Glee at Arts," paliwanag nila.
"Aww. Ayan lang? Ayoko nang mga clubs na yan," reklamo na naman ni Ayu.
"Kung ayaw mo ng limang 'yan, may isa pang choice. Ayun ay kung magiging part ka ng school paper. May screening pa nga lang doon."
"Perfect!"
Nagkwentuhan lang kami about sa clubs at kung ano ang sasalihan namin. Photography ang pinili ko syempre at nailista na naming apat 'yung mga pinili ng ibang girls.
Nagklase lang din kami sa ibang subjects at ng dismissal na ay hinintay namin ang pagbalik ni ma'am para maabot ang list. And speaking of... dumating na.
"Sorry for waiting, class. Pakipasa na 'yung list niyo."
Pinasa ko na ang list ng girls at si Ice naman ang nagpasa ng list ng boys.
"Para sa mga pumili ng sports club, may try outs kayo bukas ng umaga. Sa mga glee at dance club naman, may audition kayo sa auditorium bukas ng 1pm. Para sa photography, magpresent lang kayo ng photo or portfolio niyo. Sa Arts club wala namang problema. Pasok na lahat ng gusto doon. Para naman sa student's paper, bukas titingnan kung sino ang tatanggapin sa inyo."
Minention din ni ma'am ang pangalan ng mga namili ng same clubs. Si Josh ay nasa sports club habang nasa dance clyb naman sina Sab, Yannnie at Xander. Sa photography naamn ay kaming dalawa ni Ice samantalang sa school paper ay sina Ayu at Ken.
Kung mamalasin ka nga naman... si Ice na naman. Pati ba naman sa club? Hindi ba pwedeng maghiwalay na muna kami. Bakit ba ang malas ko?!
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)