29 -I like you

1.3K 93 31
                                        

Lala's POV

Nagtitimping nilapatan ko ng yelo ang pasa ni Nicolas sa mukha. Nakahiga na siya sa banig ko at tulog na tulog. Hindi ko alam kung dahil sa tadyak ko sa kanyang tiyan kaya siya nawalan ng malay o sadyang lasing na lasing siya kaya nakatulog.

Tinapos ko na ang selebrasyon dahil sirang-sira na iyon. Sinira lahat ni Nicolas! Mabuti na lang at naintindihan naman ni Lester. Hindi na nga siya humingi ng paliwanag sa sinabi ni Nicolas kanina. Napakabuti niya talagang tao.

Tinulungan niya pa nga ako, kasama si Buboy, na buhatin si Nicolas at ihiga sa banig. Ayoko sanang makatabi o makita man lang si Nicolas dahil sa paninira niya ng araw ko kaso 'di ko naman maaatim na iwan siya sa kanyang kotse at doon patulugin.

Umuwi na ang tatlo at ako na lamang ang mag-isang naiwan kasama si Nicolas. Ayokong gisingin si Lola Sabel at nagpapahinga na ang matanda. Pinagmasdan ko ang tulog na mukha ni Nicolas. Gusto kong makonsensiya sa kanyang pasa kaso deserve naman niya iyon.

Para kasing timang!

Napabuga ako nang hangin saka inilagay ang yelo sa banggera. Kumuha ako ng bimpo at palangganang may tubig saka binalikan si Nicolas. Pinunasan ko ang kanyang mukha. Nang matapos sa mukha ay dumako ang mga mata ko sa katawan niya. Suot niya pa rin ang mamahaling polo pero madumi na dahil bumagsak siya sa lupa kanina.

Hindi na ako nagdalawang isip na buksan at tanggalin ang polo niya. Hindi naman niya siguro ako pag-iisipan ng masama dahil tulog siya. Napasinghap ako nang makita ang kamachohan ni Nicolas. Nakita ko na ang katawan niya n'ong nahuli ko siya sa condominium dati pero namamangha pa rin ako. Ang kisig talaga ng lalaking 'to. Palibhasa'y mayaman at babad sa gym.

Pinaglandas ko ang bimpo sa leeg niya papuntang dibdib. Ilang babae na kaya ang nakahawak sa pinagpala niyang katawan? At mas higit pa sa hawak? Malamang kulang ang isang daan. Dahil sa naisip ay biglang sumikip ang dibdib ko. Nagseselos ako. Mahal ko na talaga ang lalaking 'to dahil nagseselos na ako. Hindi ko na kayang ituloy pa ang ginagawa.

Tumayo ako't ibinalik ang palanggana sa banggera saka pinatay ang ilaw. Humiga na ako sa karton na katabi ni Nicolas saka nagtalukbong ng kumot. Tinalikuran ko ang lalaki. Nagdadamdam pa rin ako sa ginawa niya kanina. Idagdag pang ayoko 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Kung bakit naman kasi sa lahat pa ng lalaki, d'yan ka pa kay Nicolas nagkagusto? May Caroline na 'yan. May Mia pa. Ang dami nila!

Muntik na akong mapasigaw nang maramdamang biglang may yumakap sa likod ko. Ipinulupot niya pa ang malaking braso at paa sa katawan ko tapos isiniksik ang mukha sa aking leeg. Nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan. Tinangka kong pumiksi ngunit ikinulong niya lang lalo ang katawan ko sa mga bisig niya.

"A-ano ba, Nicolas!" mahinang saway ko sa kanya upang hindi kami marinig ni Lola Sabel.

"Shhh... stop moving. Just let me feel your warmth please..."
Kinilabutan ako sa init ng hininga niya sa leeg ko pero nag-alala ako sa sinabi niya.

"N-nilalamig ka ba? G-gusto mo kunan kita ng k-kumot?" Nakalimutan kong hinubaran ko pala siya kanina kaya siguro siya nilalamig.

"No need. I like this better." Lalo niya pang idinikit ang hubad na dibdib sa likod ko saka isiniksik pa ang mukha sa leeg ko. Grabe na ang kilabot na nararamdaman ko sa ginagawa niya.

"G-gising ka na pala?" tanong ko.

"Nagising ako nang maramdamang may nagtatanggal ng damit ko. I thought someone's gonna make love to me," pabirong sabi niya.

Nag-init ang pisngi ko sa narinig. "Kahit tulog, puro kahalayan iniisip mo!"

Napahagikhik siya. "Hinihintay ko ngang halayin mo ako."

Vitamin UMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon