6- Ritwal at Usok

1K 59 11
                                    

Lala's POV

"Tahan na, Lala..."


"Isinusumpa ko talaga 'yang Nicolas Bravo na 'yan!"

Mugto na ang aking mga mata dahil sa walang humpay na pag-iyak. Kalalabas lang namin sa kulungan. Pinakulong kami ng walang pusong Nicolas Bravo na 'yon! Ni minsan sa buhay ko'y 'di ko inakalang sasayad ang mga kamay ko sa rehas.

Mabuti na lamang at dumating si Aling Carmen at pinyansahan kami. Kaso ang laki na ng pagkakautang ko sa kanya. Kailangan ko tuloy maghanap agad ng pagkakakitaan. Kung bakit kasi hindi kami nakinig sa kanya sa simula pa lang!

Mabuti na lamang at hindi nakarating ang nangyari kay Lola Sabel kundi tiyak na aatakehin sa puso ang matanda. Kapag nangyari 'yon ay hindi ko alam ang magagawa sa Nicolas na 'yon. Malas talaga ang lalaking 'yon sa buhay ko!

"Hayaan mo na at kalimutan na natin ang nangyari. Mag-isip na lang tayo ng ibang pagkakakitaan," ani Panyang.

"Ewan ko ba pero hindi yata ako masuwerte dito sa Manila," malungkot na saad ko sa kanya.

Nasa labas kami ng bahay, nakaupo sa isang kahoy na pahabang bangko habang umiinom ng San Mig Light. Sa tindi ng sama ng loob ko kanina'y bumili ng beer si Panyang. Baka sa alak pansamantala naming makalimutan ang masalimuot na nangyari kanina.


"Hoy, huwag mong sabihin 'yan! Huwag ka naman mawalan agad ng pag-asa, Lala!"

"Hindi naman sa nawawalan ako ng pag-asa kaso, lagi akong minamalas sa mga pinapasukan kong trabaho. Minsan tuloy naiispan kong...."

Nanlaki ang mga mata ni Panyang.
"Naiisipan mong ano?"

Nilingon ko ang aparador sa loob ng bahay kung saan nakatago ang libro ni Lola Sabel tungkol sa mga spells at incantations.

"Na bumalik sa dating gawi. Ang mag albularya."

Tila nakahinga siya nang maluwag. Ewan ko kung bakit.
"Ay, magandang ideya 'yan, La! Ang dami nating kapitbahay na gusto kong ipakulam!" Nagsimula siyang magbilang sa mga daliri.

"Gaga! Hindi ako nangkukulam. Nanggagamot ako!"

Napakamot siya ng ulo. "Ganoon ba? Sino naman ang gagamutin mo dito?"

"Mga mahihirap na nagkakasakit na walang pambili ng gamot."

"Sige! Tapos ako ang assistant mo!"

Malungkot akong napangiti saka ininom ang basong may laman ng beer.
"Kaso baka marami na namang mang-bash sa akin."

"Huwag kang mag-alala. Ibash din natin sila! Sila lang ba marunong mang-bash?"

Natawa ako. "Ikaw talaga, napaka-ewan mo kausap!"
Tumayo na ako't nagtungo sa pintuan.
"Matulog ka na nga! Bukas na tayo mag-usap, 'yong pareho na tayong matino mag-isip."

"Hindi nga, La, seryoso ako. Kung ano man ang balak mong gawin, susuportahan kita!"

Nag-init ang mga mata ko sa sinabi ni Panyang. Napakabuti niya. Hindi ko inaasahang sa kanya ko mahahanap ang isang kaibigan na hindi ko nakita simula pa nang isilang ako.

"Sige. Pag-usapan natin bukas. Tulog na tayo!" tanging nasabi ko bago pumasok sa loob ng bahay.

Nang makita kong umalis na rin si Panyang ay malungkot akong nagtungo sa may aparador saka binuksan ang isang tokador. Inilabas ko doon ang lumang libro ni Lola. Pinagmasdan ko ang libro.

Kaya ko ba talagang gawin 'to ulit? Paano kung ireklamo na naman ako ng mga tao? Paano kung husgahan na naman nila akong huwad at manloloko?

Bahala na! Kailangan kong kumita! Siguro naman ay hindi na magkukrus ang landas namin n'ong malas na manyakis na lalaking 'yon!

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon