Lala's POV
Nakatulalang nakatitig ako sa bubungan ng aming munting kubo. Kanina pa nag-sho-show ang mga butiki sa bubungan pero no pansin pa rin sila sa akin. Kahit ang mga lamok ay kanina pa nagpipiyesta sa katawan ko pero hindi pa rin ako nag-abalang magsindi ng katol.
Lumilipad ang utak ko. Kay Nicolas, ang maharot kong Boss. Mugto pa rin ang mga mata ko dahil sa walang humpay na pag-iyak. Umiyak ako nang maihatid ako ni Nicolas sa bahay kanina. Kasi naman, ang talipandas na lalaki, hinalikan ako! Hindi pa siya nakontento sa halik sa pisngi, ibinaba pa sa mga labi!
Ang labi kong tanging bunganga ng bote ng softdrinks lang ang nahalikan! Pakiramdam ko'y nalapastangan ako. Alam kong biro lang ang lahat para kay Nicolas, natawa pa nga siya nang makitang namula ako't natigilan nang mahalikan niya, samantalang ako'y dinibdib 'yon. Hindi man lang siya nag-sorry!
Mahalaga sa akin ang ninakaw niyang halik. Iniingatan ko 'yon para sa tanging lalaking iibigin at pakakasalan ko. Gusto kong maging memorable at espesyal ang magiging unang halik ko. Kaso, sinira lahat ni Nicolas! Dinumihan niya ang mga labi ko!
Lintek talagang lalaking 'yon! Siya pa talaga ang first kiss ko samantalang siya, pang-ilan na ako sa nahalikan niya? Pang isang libo na siguro!
Naitakip ko ang mukha sa unan. Nakakagigil! Ayoko ng umiyak! Tumayo ako't hinanap ang cellphone na bigay sa akin ni Doña Monica. Ayoko sanang tanggapin 'yon kaso mapilit ang matanda. Gusto niya raw ako makausap at matawagan palagi. Nag-set na ako ng alarm. May pasok pa ako pero ala una na ng madaling araw, gising pa ako!
Kinabukasan ay tila lutang akong pumasok ng opisina. Hindi ako sanay na kulang sa tulog. Namumugto na nga mga mata ko, nangingitim pa. Nang dumating ang lunch break ay nagtungo ulit ako sa paborito kong tambayan, sa rooftop. Abala si Panyang nang ganitong oras sa canteen dahil maraming customer kaya 'di ko na siya niyaya.
"Hey!"
Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Nicolas. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ano na namang ginagawa niya rito? Maninigarilyo? Pabaya talaga sa kalusugan 'tong lalaking 'to.
Akala ko'y didiretso siya sa unahan kung saan lagi siyang tumatambay at tinatanaw ang buong siyudad at magmumunimuni. Kaso tumabi ang kumag sa bench na kinauupuan ko! Kainis!
"A miracle must have happened today," aniya.
Tiningnan ko siyang nakasimangot. "Anong mirakulo ang pinagsasasabi mo?"
"You. You seemed so quiet. It's a miracle," nakangiting sagot niya.
Inirapan ko siya.
"Why are you in such a bad mood?"
Nagtanong ka pa!
Hindi ako sumagot. Nguya lang ako nang nguya sa kinakain."Nasaan ang pagkain ko?" hirit na naman niya. Iyong totoo, hindi ba niya nahahalatang badtrip ako sa kanya?
Nang hindi ako sumagot ay siniko niya ako.
"Ano ba!" mahinang asik ko.
"Ang sungit mo. PMS?"
"Heh!" inis na sagot ko.
"Aba't lumalaki na ang ulo mo, Lala, ha. Hindi porke't nahingi muna ang kamay ko sa pamilya ko, puwede mo na ako singhalan," pabirong tudyo niya.
Hindi ako kumibo. Nilunok ko muna ang pagkain na naipon sa bunganga.
"Katahimikan, Nicolas, puwede ba?"
"Are you having a bad day?" May hinugot siyang kaha ng sigarilyo sa bulsa saka inabot sa akin, "Cigarette, you want?"
"Sinabing huwag kang naninigarilyo! Masama 'yan sa kalusugan!"

BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...