24 -CCTV

1.2K 88 19
                                    

Lala's POV

"Lala, pinapatawag ka ni Sir Nicolas sa opisina niya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng Supervisor ko. Nagtutulak ako ng cart trolley nang bigla niya akong harangin. Magana akong nagtrabaho. Mabuti't nakatulog ako nang maaga kagabi dahil sa magandang balita ni Konsi Lester. Sa susunod na araw ay magsasagawa na kami ng contract signing para sa isasagawa naming business.

"Bakit daw po, Sir Johnny?"

"Aba, malay ko. Baka may bago ka na namang kabulastugan na nakarating sa kanya."

"Ay, grabe naman kayo. Alam n'yo namang maayos ako magtrabaho, a?"

"Puntahan mo na lang kasi! Ang dami pang sinasabi, eh."

Nagtungo nga ako sa opisina ni Nicolas. Nakasimangot ang lalaki sa mesa niya habang may iniinom. Nasurpresa ako nang makitang 'yong juice na ibinebenta ko ang iniinom niya. Napatingin siya sa akin. Ngumiti ako saka umupo sa harapan niyang silya.

"Go'morning," bati ko sa kanya. "Anong atin? Bakit mo ako ipinatawag? At kailan ka pa naging fan ng wonder juice ko?"

"What took you so long?" tila iritableng tanong niya.

Nabura ang ngiti ko.
"Kanina mo pa ba ako hinihintay? Ngayon lang ako nasabihan ng Bisor ko na pumunta dito."

"Kasi ngayon ka lang niya natagpuan."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Kanina pa ako pumasok, a. Siya nga 'yong hindi ko nakikita d'on sa warehouse."

"Hinahanap ka niya kaso busy ka sa kakapindot d'yan sa cellphone mo. Dont lie, I saw you," mariin niya pang sabi.

Napamaang ako. Nakita niya ako? Paano? Nasa loob ako ng maliit na kuwarto habang nirereplyan ang text sa akin ni Konsi.
"P-paano mo ako nakita, eh, wala ka doon? Tsaka, s-saglit lang naman ako nagtext."

"You went inside the room 5 times, 5-10 minutes each, Lala. You replied three times and peek on your phone twice."

Napamaang ako. "T-teka, paano mo nalaman 'yon?"

"There's nothing that you can hide from me inside my company, Lala."

Nagulat ako. "Tinitingnan mo ba ang CCTV? Nagdududa ka ba sa akin? P-para sabihin ko sa 'yo, 'di na ako natutulog sa trabaho ko!" depensa ko sa sarili.

"Sinong ka-text mo?" sa halip ay tanong niya.

"Wala ka na r'on! Ang importante ginagawa ko ang trabaho ko nang mahusay," defensive pa ring sagot ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi mo kailangang ikaila kung 'yong Konsi mong sosyal ang katext mo."

Pati ba naman 'yon, alam ni Nicolas?
"Personal na bagay na 'yon, 'di mo na kailangan malaman."

"Ano bang pinag-uusapan n'yo? Humihingi ka ba ng tulong sa kanya? Hindi ba't sabi ko ako ang bahala sa gastusin n'yo ni Lola Sabel?"

"Ayoko nga nang ganoong set-up, Nicolas. Ayokong humihingi ng tulong kahit kanino man."

"What's the big deal? Hindi ikaw ang tinutulungan ko, si Lola Sabel."

"Kahit na. Kung ano man ang itinulong mo sa amin ni Lola Sabel, babayaran ko lahat 'yan."

"Hindi kita sinisingil!" Tumaas ang boses niya.

Napatda ako.
"Babayaran ko pa rin kahit hindi ka naniningil," giit ko.

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon