Lala's POV
"Uhm, Nicolas..."
"Yes?"
Nag-ipon ako nang lakas ng loob bago itanong sa kanya ang matagal nang bumabagabag sa isipan ko.
"C-crush mo ba ako?"
Mula sa binabasang kung ano sa cellphone ay naglipat siya ng tingin sa akin. N'ong una'y tila hindi makapaniwa ang ekspresyon ng kanyang mukha, mayamaya ay bigla siyang humalakhak nang malakas. Hindi ko alam kung maiinis sa tawa niya o ano.
"God, Lala, you're so hilarious!" natatawa pa ring sagot niya.
Namaywang ako. "Ang pagtawa daw ay tanda nang pag-amin."
Lalong lumakas ang halakhak niya sa huling sinabi ko. Napipikon na ako.
Anong nakakatawa?
"'Pag tinadyakan kita sa puson, hilo ka, Nicolas. Tandaan mo," nagbabantang sabi ko.
Aliw na binalingan niya ako. "Of all parts, bakit sa puson pa? Kawawa naman ang mga sperm cells ko."
"Mabuti't para 'di na dumami ang katulad mo."
Humalakhak na naman siya. Inis na ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon. Maano ba't umamin na lang siya? Halata namang sa kilos niyang gusto niya ako kasi ang bait-bait niya sa akin.
Kasalukuyan kaming nasa ospital. Pinakonsulta na namin si Lola Sabel sa isang espesyalista sa kanyang thyroid noong isang araw at sumailalim na rin siya sa mga tests at scans. Nagpayo ang espesyalista na ipatingin din namin ang matanda sa isang surgeon.
Ayoko sanang isturbohin pa si Nicolas ngunit nagpumilit siyang samahan ako sa pagpapagamot kay Lola Sabel. Hindi na ako tumanggi dahil hindi lang ako makakalibre ng pamasahe, guwapo pa ang driver! Panay din ang bili niya ng groceries sa amin tapos sagot niya pa ang pagpapagamot kay Lola.
"Paano mo naman nasabi na may gusto ako sa 'yo?" pukaw niya sa akin nang nanahimik ako.
Binalingan ko siya. "Kasi ang bait-bait mo sa amin ni Lola."
"And so? I'm nice to Panyang, does that mean I like her too?"
Napanguso ako. "Ibang nice naman 'yon."
"Walang pagkakaiba, 'yong isipan mo lang ang kakaiba dahil hinahaluan mo ng malisya."
Inirapan ko siya. "'Yong kilos mo ang may malisya, hindi ang utak ko."
"Aba, sinabi ko ba sa 'yong lagyan mo ng malisya ang kabaitan ko? I'm just concern about you and your Lola, that's it. Nothing r-romantic."
"Ewan ko sa 'yo, paasa ka," pabulong na sabi ko.
"What did you say?"
"Wala! Malisyosa ako, period!"
"Right. Buti inamin mo," ngitingiting sabi niya.
Hindi na ako umimik. Humalukipkip ako't hindi na siya pinansin. Ang sakit sa loob nang pagtanggi niya, daig ko pa ang nabasted kahit 'di naman ako nanliligaw. Bakit ba kasi napaka-assuming ko? Suntok sa buwan na magustuhan ako ng lalaking 'to.
Hapon na nang matapos si Lola sa pagpapakonsulta sa isang surgeon. Agad akong nagyayang umuwi, siyempre ay hatid ulit kami ng "mapagkawang-gawa" kunong si Nicolas. Nang makarating ng bahay ay agad akong nagluto ng hapunan. Si Nicolas ay nandoon pa rin sa amin at nakikipagkuwentohan kay Lola.

BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...