25 -Naenkanto

1.2K 93 25
                                    

Lala's POV

"Nasaan ka?"

Napalunok ako nang marinig ang tila galit na boses ni Nicolas sa kabilang linya. Kasalukuyan kaming magkasama ni Konsehal Lester at nakikipag-usap sa mga Business Investors na interesado hindi lamang sa wonder juice kundi sa lahat ng produktong gawa ko.

"N-nasa labas, bakit?"

"It's Dad's birthday, remember? Pinuntahan kita sa bahay n'yo pero wala ka!"

Napakamot ako ng ulo. "Diba nga sabi ko sa 'yo magkikita kami ni Lester?"

"Who the fuck is Lester?"

Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Tumayo ako't nag-excuse sandali saka pumunta ng banyo.
"Si Konsehal Lester," sabi ko kay Nicolas.

"Fuck!"

Napangiwi ako sa lutong ng kanyang mura. Bakit ba siya nagagalit eh hindi naman ako nangakong pupunta? Sinabi ko na sa kanyang tatawagan ko ang tatay niya mamaya para bumati. Alam niyang may lakad kami ni Konsehal ngayon.

"Huwag ka namang magalit, Nicolas..."
mahinahong sabi ko.

"You know what? Nevermind! Magpakasaya ka kasama ang Lester na 'yan!"

"Ano ka ba—" Napatigil ako nang bigla akong pinatayan ni Nicolas ng cellphone. Napailing na lamang ako. Nakakagigil talaga 'yong Nicolas na 'yon kahit kailan!
Bumalik na ako sa mesa. Mayamaya'y ang mga investors naman ang nagpaalam na magbabanyo.

"May problema ba?" tanong ni Lester sa akin kapagkuwan.

Nagpumilit 'tong si Lester na tawagin ko siya sa pangalan niya. Hindi daw kasi siya komportableng tinatawag lagi ng Konsehal o Konsi.

"W-wala."

"Tumawag ba boyfriend mo?"

Mabilis akong napailing. "Ay, hindi ko boyfriend 'yon. Si Nicolas 'yon, Boss ko."

"May problema ba siya dahil magkasama tayo?"

"Hindi naman. Wala namang pakialam 'yon kung sino kasama ko. Birthday kasi ng erpats niya tapos hindi ako umattend."

"Gusto mo bang umattend?"

Nag-isip ako. "Sana...kaso may ka-meeting pa tayo, diba? Tawagan ko na lang si Papang—este si Tito Nezario mamaya pag-uwi."

"Kung gusto mo, after nating sa meeting, puntahan natin 'yong tatay ng Boss mo."

"Naku, huwag na. Nakakahiya naman sa 'yo. Malayo pa naman ang mansion ng mga 'yon."

"It's fine with me," nakangiting sabi niya.

Wala akong nagawa kundi pumayag. "S-sige...sinabi mo, eh."

Ewan ko ba, guwapo at makisig naman 'tong si Lester, idagdag pang napakabait, kaso hindi ko maramdaman sa kanya ang kabog ng dibdib na nararamdaman ko sa tuwing kasama si Nicolas. Bihira nga lang akong ngitian ng lalaking 'yon pero kinikilig ako kapag kasama siya.

Oo, inaamin ko, crush ko si Nicolas! Hindi lang yata crush...may kuwan na rin. Pero hanggang 'kuwan' na muna. Ayokong ma-in love nang tuluyan sa lalaking 'yon at baka madurog lang ang puso ko.

Nang matapos naming makipag-usap sa mga investors at na-closed ang deal ay nagmadali na kaming umalis ni Lester at sumakay sa kotse niya. Dumaan muna kami sa mall at bumili ng regalo kay Don Nezario. Wala akong dalang pera kaya pinautang ako ni Lester. Nangako akong babayaran siya sa sahod ko.

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon