Lala's POV
Laglag ang panga ko nang makita ang papalapit na si Nicolas sa gate ng bahay. Kinusot ko po ang mga mata kung hindi ba ako namamalikmata, si Nicolas nga! Anong ginagawa niya sa lugar namin nang dis oras ng gabi? At nakasimangot pa! Mukhang wala sa mood.
Lagi na lang wala sa mood 'tong lalaking 'to nitong mga nakaraang araw.
Birthday ko kaya kami nagkakasiyahan sa maliit naming bakuran upang iselebra ang araw ng kapanganakan ko. Nagluto kanina si Tiyang Carmen ng pancit at dinala sa bahay. Si Panyang naman ay bumili ng beer at iba pang inumin. Si Lola Sabel ay nagluto ng biko.
Kanina ay tinawagan ako ni Lester na magkita kami sa seven eleven dahil may ibibigay daw siya sa akin. Nagmamadali pa nga akong puntahan ang lalaki dahil excited sa ibibigay niya. Alam niyang birthday ko. Laking tuwa ko nang bilhan niya ako ng cake at isang pumpon ng mamahaling bulaklak. Nahiya pa akong tanggapin 'yon pero nagpumilit siya.
"Good ebening, Sir Nicolas!" agad na bati nina Panyang at Buboy kay Nicolas saka nagkumahog na papasukin ang lalaki sa loob.
Kami na lamang nina Buboy, Panyang at Lester ang natitirang nag-iinuman sa labas. Si Lola Sabel at Tiyang Carmen ay kanina pa tulog. Tumayo kami ni Lester at hinintay na makapasok si Nicolas. Busangot na mukha agad ang sinalubong niya sa amin lalo pa't nakita niya si Lester.
Tinanguan niya lang si Lester pagkatapos ay humalukipkip sa harapan ko. "Can I have a word with you, Lala?" seryosong sabi niya.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nina Panyang at Buboy. Iba na ang tono ni Nicolas. Galit na naman. Nagpaalam ako saglit kay Lester saka dinala si Nicolas sa likod ng bahay. Bumuntong hininga ako upang ihanda ang sarili sa isa na namang umaatikabong argumento dito kay Nicolas.
"Bakit ka umiinom? May pasok ka pa bukas, a?" Rumatsada agad ang bibig niya.
"N-nagpaalam ako kay Sir Johnny na mag-day off bukas," paliwanag ko.
"Day off? Para ano? Para makipag-inuman sa manliligaw mo?"
Napasimangot ako. "Ano naman tingin mo sa akin, lasenggera?"
"No. I think you're crazy over that good-for-nothing guy! I bet he skipped work too because of you. Sinasayang n'yo lang pinapasuweldo sa inyo!"
Anak ka ng—sa 'yo nga ako baliw na baliw, gago!
Gusto kong singhalan si Nicolas sa kaarogantehan niya pero nagpigil ako. Hindi pa naman ako sobrang lasing, tipsy pa lang. Hindi pa nagdidilim ang paningin ko dito kay Nicolas."Puwede ba, Nicolas. Huwag mo sirain ang araw ko. Birthday ko tapos—"
"It's your birthday?!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
Nakita ko na 'to si Nicolas kanina, nahiya lang akong sabihin na birthday ko at mukhang wala siya sa mood. Baka mapahiya ako sa harapan ng mga kaibigan niya kapag nasinghalan ako. Sabihin pang wala siyang pakialam sa birthday ko.
"Oo. Masaya ka na malaman na sinasayang ko pangpasuweldo mo sa birthday ko?" sarkastikong balik ko sa kanya.
Tila napahiya siya sa narinig. "You didnt tell me!"
"Nagtanong ka ba? Sumugod ka bigla dito, nakasimangot, nangunguwenta ng pasweldo mo sa akin!"
Natameme siya. Inirapan ko lang siya. Ang tagal bago siya umimik. Nang tingnan ko siya'y mataman lang siyang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip.
"Ano?" untag ko sa kanya.
"Come here," seryosong utos niya.
Nagtataka man ay lumapit ako sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niya akong yapusin nang mahigpit na yakap. Atubili pa akong gumanti. Nang maramdan ang mainit niyang katawan sa katawan ko'y napuno nang sari't saring emosyon ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomansaMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...