Lala's POV
"Lala, pinapapunta ka ni Bossing Nicolas sa opisina niya."
Hindi ako kumibo sa sinabi ni Bartolome. Nagpatuloy ako sa paghahakot ng mga maliliit na karton saka iyon nilagay sa malaking estante. Kanina pa ako pinapatawag ni Nicolas sa opisina niya pero hindi ko siya pinupuntahan. Pati cellphone ko'y kanina pa niya tinatawagan ngunit 'di ko rin sinasagot.
Pambihirang lalaking 'yon! Anong tingin niya sa akin? Isang tawag lang magkukumahog na puntahan siya? Neknek niya!
"Hoy, Lala! Hindi mo ba ako naririnig?" pangungulit ni Bartolome.
"Narinig kita, Bartolome. Hindi ako bingi!" masungit na sagot ko.
"O, eh bakit hindi ka pa umaakyat? Panglimang beses na tinatawagan ni Bossing si Sir Johnny. Malilintikan tayo lahat nito dahil sa ginagawa mo."
Napabuntong hininga ako saka padabog na ibinaba ang karton. Hinarap ko si Bartolome.
"Mamaya pupuntahan ko siya para tumigil ka na! Tatapusin ko muna 'tong trabaho ko!"
Tila nakontento naman si Bartolome sa sagot ko.
"Bakit ka ba laging pinapatawag ni Boss? May kasalanan ka ba sa kanya? O baka naman may utang ka na 'di mo pa nababayaran? Gusto mo bumale ka muna sa akin tapos bayaran mo na lang sa suweldo."Hindi ako sumagot. Nainis ako sa tanong ni Bartolome. Ramdam na ramdam ko kasi ang layo ng agwat namin ni Nicolas. Kahit sino ay 'di iisipin na may gusto sa akin 'yong lalaking 'yon. Ang iisipin ng mga tao'y may utang ako sa kanya o 'di kaya'y may kasalanan kaya ako lagi napapatawag. Hindi dahil may namamagitan sa aming dalawa.
"Hoy, ano na? Magkano ba kasi?" untag ni Bartolome sa pananahimik ko.
"W-wala akong utang d'on. B-baka may ipapagawa sa akin o oorder ng juice kaya ako pinapatawag," sa halip ay sagot ko.
"Ganoon naman pala. Bakit 'di mo pa puntahan para tigilan ka na niya?"
"Mamaya nga pagkatapos ko dito."
"Ako na lang tatapos niyan para libre ka na."
Akmang kakargahin ni Bartolome ang karton nang pigilan ko siya.
"Ako na d'yan! Kaya ko na 'to. Salamat sa kabaitan mo.""Hay, naku! Concern lang naman ako sa 'yo. Alam mo naman 'yon si Bossing may pagkatopakin. Baka tanggalin ka niya sa trabaho. Mawawalan ako ng partner at kaibigan dito. Alam mo namang ikaw lang ang kachikahan ko dito palagi."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Bartolome. Kinurot ko ang matambok niyang pisngi. Paborito kong gawin 'yon sa tuwing naggigigil ako kay Bartolome. Naku-cute-an kasi ako sa mukha niya.
Hindi naman siya nagrereklamo."Nagdrama naman 'to. Huwag kang mag-alala hindi ako matatanggal sa trabaho. Wala naman ako atraso d'on kay Nicolas."
"Eh, bakit lagi ka niyang pinapatawag o pinupuntahan dito?"
"Ewan ko. Baka may crush sa akin."
Natawa siya nang malakas. "Asa ka pa! Ilusyunada ka talaga!"
Napanguso ako. "Bakit 'di ba ako puwede magustuhan ni Nicolas?"
"Puwede kung gagayumahin mo siya."
Sinapak ko siya sa balikat. "Gago! Umalis ka na nga dito!" taboy ko sa kanya saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Marunong akong gumawa ng gayuma pero hinding-hindi ko gagayumahin si Nicolas. Tatandang dalaga na lang ako kaysa mang-gayuma ng tao. Malaking kasalanan 'yon para sa akin. Kailanman ay 'di dapat pinipilit ang isang tao na magustuhan ka.

BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...