Lala's POV
Siya na naman? Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?
Napatunganga ako habang nakatingin sa galit na mukha ni Nicolas Bravo. Huling-huli ako sa akto na hinahampas ng palaspas ang babaeng tinawag niyang sister. Magkapatid sila? Bakit ang liit naman ng mundo? Kung kailan napalapit na sa akin ang babaeng customer na 'to saka ko malalaman na kapatid siya ng lalaking kinaiinisan ko!
"Did you hear me? Stay away from my sister or I'll call the police!" galit na namang sigaw ni Nicolas nang hindi pa ako kumikilos.
"T-teka! P-pulis na naman? Kalalabas l-lang namin ng kulungan, a!" sabat ni Buboy.
"Pati ba naman dito, guguluhin mo ang kabuhayan ko?!" nanggigigil na sigaw ko kay Nicolas.
"Yes, 'cause you are a freak!" galit na sagot niya.
Nang makita siyang sumusugod palapit sa amin ay nahintakutan ako. Agad kong iginala ang paningin sa paligid. Si Panyang ay nakasandal sa dingding at nanigas na yata sa takot samantalang si Buboy ay nagkukumahog ligpitin ang mga gamit panggamot namin.
"I'm gonna sue you, I swear!"
Nilapitan ni Nicolas ang babae pagkatapos ay marahas na inalis at inihagis sa kung saan ang mga dahon na inilagay ko sa mga paa ng kapatid niya."What are you doing here, Cole?"
"I'm taking you back to our villa, Sis!"
Nagpumiglas ang babae nang tangkang kargahin ito ni Nicolas. "No! Stop it! We're in the middle of our ritual!"
"Ritual my ass! I cant believe you succumb to this fraudulent activity! You can do better than this, Sis!"
Hindi ako masyadong nakakaintindi ng ingles pero alam kong patama sa akin ang salitang ginamit niya. Gusto kong ihampas sa pagmumukha niya ang palaspas at ipukpok sa ulo niya ang palayok kung hindi lang ako takot na maipakulong ulit.
Walang nagawa ang kapatid niya nang sapilitan siyang binuhat ni Nicolas at ibinalik sa wheelchair. Sinenyasan ng lalaki ang isang matandang babae sa labas na hula ko'y ang katiwala ng kapatid niya upang alisin ito sa loob.
Bago pa makaalis si Nicolas ay nilingon niya ako. Hindi ako makakilos sa talim ng mga tingin niya sa akin.
"I've got a piece of advice for you. Palalampasin ko ang ginawa mo sa kapatid ko pero kapag nagpatuloy 'tong pagiging huwad mo, baka mas malala pa dito ang aabutin mo. Stop this once and for all."
Tinalikuran niya kami at lumabas ng pintuan.Nanginginig ang mga tuhod na napaupo ako sa papag. Magkahalong gigil at takot ang nararamdaman ko.
Sukdulan na ang inis ko sa kanya! Pati ba naman panggagamot ko, hindi niya pinalampas?Lahat na lang talaga, Nicolas!!!!
Tiningnan ko sina Panyang at Buboy, tila nakahinga sila nang maluwag nang umalis si Nicolas. Naawa ako sa mga pinsan nang makitang takot na takot sila kanina. Nag-alangan na tuloy akong ipagpatuloy ang panggagamot.
••••
Nicolas' POV
"Sis, please eat."
"No! I hate you! Leave me alone!"
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang kapatid kong nakatalukbong ng kumot sa kanyang kama. She's been acting up since the day I took her away from that albularya.
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...