Nicolas' POV
My heart is heavy. I wanted to cry while looking at Lola Sabel's corpse inside the coffin. Nakalagak ang mga labi ng matanda sa harapan nang maliit na bahay nina Lala. Kahit kaunting panahon lang ang pinagsamahan namin ay napamahal sa akin si Lola Sabel. Nanghihinayang ako at hindi ko siya nakasama nitong mga nakaraang linggo dahil iniiwasan ko nga si Lala.
At isa pa ang babaeng 'yon. Nang dumating ako kanina ay tinanguan niya lang ako. Ni hindi man lang ako inestima. She was busy talking to everyone in the wake including Lester. Kanina'y nagrumentado ang puso ko nang makitang magkayakap sila ni Lester habang umiiyak siya. Gusto ko siyang hablutin at sabihang sa akin siya yumakap pero pinigilan ko ang sarili.
What for? You dont want anything to do with her anymore, right? She's better off with Lester...
Pero bakit hindi ko mapigilang maikuyom ang mga kamao? Hinahaklot ako ng selos. The sight of them hugging each other pains me. I should be the one consoling Lala since I met Lola Sabel first, not Lester. I'm grieving too. It feels like I lost my own grandmother.
Grandmother na pinagdudahan mong ginayuma ka para sa apo niya.
Napabuntong hininga ako. Nagtatalo na naman ang isip at puso ko. My brain keeps on telling me Lala's a con while my heart says no. Na hindi sinadya ni Lala na paibigin ako. Na naramdaman ko iyon nang kusa. But...how am I supposed to know if my feeling is real? I must really find a solution—or perhaps an antidote—to this love spell to keep my life in peace!
"Boss, biskwit and 3-in-1 you want?" tanong ni Panyang sabay abot sa akin ng tray na may mga biscuits at sachets ng kape.
Agad akong tumanggi. "No, thanks. Busog pa ako."
"Upo po muna kayo, Boss. Mukhang pagod po kayo sa trabaho."
Iginiya niya ako sa isang bakanteng monobloc chair.
"Busy po si Lala kaya hindi niya muna kayo mai-estima.""Busy with that Councilor, huh?" sarkastikong parunggit ko.
Napakamot ng ulo si Panyang. "Ah, eh, si Konsi po ang tumutulong kay Lala nitong mga nakaraang araw na naospital ulit si Lola Sabel. Nagkaroon kasi ng komplikasyon ang sakit ni Lola kaya kailangan siyang isugod ulit sa ospital. Si Konsi po ang tumutulong kay Lala sa lahat; pinansyal at emosyonal."
I was taken aback. They were together these past few days? Si Lester ang kasama ng mag-lola sa oras nang pangangailangan at hindi ako?
Dude, hindi ba ang sabi mo, wala kang pakialam kung sagutin ni Lala si Lester?"Saglit nga lang umuuwi sa kanila 'yang si Konsi tapos balik agad sa ospital upang humalili kay Lala," patuloy ni Panyang.
Napatiim-bagang ako. Lester was there for Lala while I was out somewhere ignoring her. I wouldn't be surprised if both of them are a couple now. I should be happy I successfully dodged the wicked spell. Lester—that poor guy—unluckily got the curse. Pero imbes na matuwa at hindi nagtagumpay ang gayuma sa akin, eh naghihimutok ang loob ko. Bakit mas lalong sumidhi ang pagseselos ko?
Napatingin ulit ako kina Lala at Lester. Nagtama ang mga mata namin ni Lala. Tinanguan niya lang ako saka nag-iwas ng tingin. I saw pain, sorrow and longing in her eyes. Nangayayat din siya't nanlalalim ang mga mata marahil ay dahil sa pinagdadaanan niya nitong mga nakaraang araw. I felt a strong pain inside me. Gusto ko siyang aluin, yakapin at halikan. Nagpasiya akong tumayo at lapitan siya. Hahakbang na sana ako upang tawirin ang distansya naming dalawa nang biglang may itim na sasakyan ang pumarada sa harapan ng bahay nina Lala.
![](https://img.wattpad.com/cover/144240393-288-k108391.jpg)
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomansaMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...