Lala's POV
"Bakla, eto daw 'yong compensation mo."
Nag-angat ako ng tingin kay Panyang nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko't inabot ang isang brown na sobre. Inisnab ko ang sobre saka ipinagpatuloy ang paghihilamos ng mukha.
Kanina pa ako nakauwi ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Panyang kanina na uuwi dahil ayokong isturbohin siya sa trabaho. Baka nga sa mga oras na 'to ay alam na niya ang nangyaring eksena kanina sa restaurant.
Matapos maghilamos ay nagpunas ako ng mukha. Makulit na isinisiksik ni Panyang ang sobre sa bulsa ko. Tinampal ko nang malakas ang kamay niya kaya nahulog ang sobre sa sahig. Pumalatak siya't agad naman iyong pinulot.
"'Pakaarte mo! Pera na 'to, ano ka ba?"
"Sabihin mo sa amo mo na hindi ko kailangan ng pera n'ya! Isaksak mo kamo sa baga niya 'yan!" naiinis na tugon ko.
"Anong amo? Hindi naman si Bossing ang nagbigay nito."
"Sino?"
"Iyong pogi na costumer natin kanina. Dyowa yata 'yon n'ong pamangkin ni Bossing."
Lalo akong nanggigil sa narinig.
"Eh, 'di mas lalong hindi ko 'yan tatanggapin! Ang lalaking 'yon ang dahilan ng lahat ng kamalasan ko sa trabaho!"Biglang kumislap ang kyuryusidad sa mga mata ni Panyang. "Wow, mukhang nakakaintriga 'yan ah? May past ba kayo n'ong pogi na customer na 'yon?"
Pinili kong talikuran si Panyang at lumabas ng bahay. Agad naman siyang sumunod. Nanggigigil kasi ako at baka lumakas pa boses ko. Tulog pa naman si Lola Sabel.
"Alam mo bang sa tuwing nagkikita kami ng lalaking 'yon, natatanggal ako sa trabaho? Siya din 'yong dahilan ng pagkakatanggal ko bilang window cleaner sa condominium! Manyak na nga, malas pa!" gigil na kuwento ko kay Panyang.
"Manyak? Ano, hinipuan ka?"
Napangiwi ako. "Hindi 'no, neknek niya! Nakita kong may katalik 'yon."
Kumislap ang kapilyahan sa mga mata niya. "Ows?! Dakota ba, bakla? Mukhang dakota n'ong tinitigan ko. Ansarap dakmain!"
Kinilabutan ako sa sinabi ni Panyang. "Kadiri ka, Panyang! 'Yan ba natutunan mo sa bar na pinagtatrabahuan mo dati?"
Napabungisngis siya. "Oo, kaunti."
Napaisip siya. "Sayang at ang gandang lalaki pa naman n'on. Eto nga't binigyan ka pa ng pera, nakonsensiya yata at natanggal ka sa trabaho...magkano kaya 'to?"Akmang bubuksan ni Panyang ang sobre nang tampalin ko na naman ang kamay niya.
"Aray naman, Lala! Kanina ka pa!"
"Huwag mo buksan 'yan! Ibalik mo 'yan sa kanya! Hindi ko kailangan ng suhol na galing sa hinayupak na 'yon!"
"Umuwi na 'yon kanina pa!"
"Eh, 'di ibalik mo sa Boss mo. Sabihin mo sa kanyang isauli d'on sa manyakis na malas na lalaki!"
Umingos lang si Panyang. "Sinong Boss? Hindi ko na siya Boss. Nag-resign na rin ako, 'no!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Bakit ka nag-resign? Diba gustong-gusto mo d'on?"
"Sa tingin mo sa ginawa niya sa 'yo kanina, gugustuhin ko pang pumasok d'on? Hindi ko bet ang among inaapi sa pinsan ko!"
Natigilan ako. Nakita niya pala ang nangyari kanina. Akala ko'y magagalit siya sa akin kasi matagal na niyang gustong makapagtrabaho sa isang sosyal na restaurant tapos sinira ko lang dahil sa eskandalong nangyari kanina. Bigla ko tuloy siyang nayakap.

BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomantiekMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...