22- Crush

1.1K 83 9
                                    

Lala's POV

Panay ang hikab ko habang nagche-check ng mga naglalakihang karton sa harapan ko. Nanghihina ako't nahuhulog na ang mga talukap ng mata. Madaling araw na ako nakatulog dahil magdamag akong naghahalo ng mga sangkap ng herbal medicine na ibinebenta ko kung saan-saan.

Kayod kalabaw ako ngayon dahil sa nadiskubreng bukol na tumubo sa lalamunan ni Lola Sabel. Ang sabi ng doktor ay tumor daw 'yon sanhi ng paglala ng hyperthyroidism niya. Nang malamang tumor 'yon ay kinabahan ako lalo na't kailangan daw 'yong operahan para matanggal.

Awang-awa ako kay Lola Sabel. Sa tanda niyang 'yon ay 'di pa niya nasusubukang maadmit sa ospital. Noong una ay ayaw ng matanda na magpa-ospital pero pinilit ko siya dahil nangangamba na ako sa paglaki ng bukol sa leeg niya. Hindi tumalab ang mga halamang gamot na iniinom ni Lola araw-araw.

Nagpatuloy ako sa pagtsi-tsek ng mga karton hanggang sa hindi ko na kinaya ang antok. Nagtungo ako sa malaking karton sa likuran saka sumampa. Humiga ako't ipinikit ang mga mata. Wala naman sigurong makakakita sa akin dahil tago ang lugar na 'yon at natatabunan ako nang maraming karton.

"Lala! Hoy, gising!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na boses ni Bartolome. Umawang ang bibig ko nang makitang hindi lang si Bartolome ang nasa harapan ko. Nandoon din ang Supervisor ko na pinandidilatan ako ng mga mata, ibang mga taong nakakurbata na hindi ko kilala, mga kaibigan ni Nicolas at mismong si Nicolas! Lahat sila nakatingin sa akin.

"M-magandang u-umaga ho."

Mabilis akong bumaba ng karton at yumuko sa harapan nila, pahiyang-pahiya. Nahuli ko pa ang seryosong anyo ni Nicolas. Hindi ko kilala ang ibang mga lalaking kasama niya na nakakurbata pero palagay ko'y mga bigating tao sila.

"Lagot ka. Bakit d'yan ka pa natulog?" bulong sa akin ni Bartolome.

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy sa paglalakad ang mga ito. Mukhang nagsasagawa ng inspeksyon sila Nicolas. Bakit naman kasi sila nag-iinspeksyon nang hindi nagpapasabi? Nakatulog tuloy ako! Badtrip naman o!

Nang makaalis ang grupo ni Nicolas ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napasandal ako sa mala-kutson na braso ni Bartolome dahil sa panghihina. Nakakahiya talaga! Ano na lang ang sasabihin ni Nicolas? Na batugan ako? Baka tanggalin ako ng lalaking 'yon sa trabaho!

"Bakit ka kasi natulog d'yan sa karton? Idinisplay mo pa talaga sarili mo!" pagalit na sabi sa akin ni Bartolome.

"Aba'y malay kong mag-iinspeksyon sila ngayon! Hindi ka naman nagsabi sa akin!"

Napakamot siya ng ulo.
"Hindi ko rin alam. Nagulat nga ako nang makita ko silang papunta dito."

"Lagot ako nito kay Nicolas!"

"Malamang. Wala pa naman sa mood 'yon."

"Paano mawawala sa mood 'yon eh may kaulayaw 'yon kagabi?" Nasapo ko ang bibig sa nasabi. Daldal mo, Lala!

"O, talaga? Chismis 'yan, Lala, ah! Updated ka ba sa lovelife ni Boss?"

"H-hindi!" kaila ko.

"Lala!"

Sabay pa kaming napaigtad ni Bartolome nang marinig ang malakas na sigaw ng Supervisor namin na si Sir Johnny. Ang bagsik ng hitsura niya. Nakikinita ko na na uulanin niya ako ng sermon.

"Are you out of your mind?" galit niyang tanong nang makalapit sa akin.

"Parang..."

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon