12- Wedding

1.1K 64 19
                                        

Nicolas' POV

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

When is she going to shut her mouth?

Awa ng Diyos ay nawala ang allergic reaction ko. Parang guminhawa ang pakiramdam ko sa pinalanghap ni Lala na usok at likidong ipinainom kanina, plus ang out-of-this-world na dasal ni Lola Sabel in search for my so-called "nangkulam". Gusto ko na lang matawa sa nangyari.

Nakahiga na ako sa banig na nakalatag sa lapag samantalang isang metro ang layo sa akin ay nakalatag naman ang mahabang karton ni Lala na nagsilbing higaan niya. Nakapatong ang braso ko sa aking noo habang nakahiga. Kanina pa ako hinihila ng antok, side effect marahil n'ong pinainom sa akin ni Lala.

I wanted to sleep so bad but Lala kept on pestering me. Ang daldal niya't ang daming tanong. Parang batang ang daming gustong malaman. Ilang ulit ko ng sinasabi na ayos na ang pakiramdam ko, maya't maya pa ring nagtatanong. Gusto ko na nga siyang talikuran at magtalukbong ng kumot kung hindi lang kabastusan.

"I'm fine, Lala. Go to sleep now," tanging sagot ko.

"Hindi ako makatulog."

"Why?" tanong ko kahit nahuhulaan ko na ang sagot. It must be uncomfortable for her to sleep beside a man...in particular, her Boss.

"Kasi gamit mo 'yong banig ko."



Kumunot ang noo ko. Banig? Is that all she wants? What the hell?
"And? You wanna take it back?"

"Huwag na. Magagalit sa akin si Lola. Bisita ka. VIP ang treatment namin sa 'yo kaya sa 'yo muna banig ko."

Gusto kong matawa. Kaya pala ako sa banig nakahiga dahil VIP!

"Thank you for this banig. It's such an honor to be treated as your VIP guest," sabi ko na lang para manahimik na siya.

"Walang ano man. Swerte mo, sa 'yo ko lang pinahiram 'yang banig na 'yan. Kahit sina Panyang 'di nakahiga d'yan."

"Again, thank you."

Mayamaya ay tumahimik na siya. Nang sulyapan ko siya'y mataman siyang nakatitig sa akin.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"Guwapo ka talaga 'no?"

Nag-iwas ako ng tingin. Ewan ko ba kung bakit nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. This is not the first time I was praised by my appearance.

But this lady...she's just too—I dont know, pure?

"Hindi ka pa rin ba makatulog, Nicolas?"

Paano ako makakatulog sa pinagsasasabi mo?

Nangulit na naman siya.
"Gusto mo kantahan kita? 'Yong lagi kinakanta sa akin ni Lola 'pag may sakit ako at nangungulila sa nanay—"

Nagkunwari akong humihikab para magkaroon man lang siya nang kaunting pakiramdam na kanina pa ako inaantok! At para na rin tumahimik siya. Ngunit ilang saglit lang ay umarangkada na ang sintunado niyang boses.

"🎵Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap. Parang ibong sabik sa isang pugad...🎵"

And there she goes...

Naihilamos ko na lang ang kamay sa mukha saka pinakinggan ang makapagdamdamin niyang kanta.

"🎶Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan, na 'di pa dinanas ng sinuman...🎶"

Vitamin UMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon