Nicolas' POV
"Ayos ka lang ba? Ayos ka lang? Hoy, Nicolas, ayos ka lang?"
Pigil ang ngiting pinagmasdan ko si Lala. Nakaakbay ako sa kanya habang tinutulungan niya akong pumunta sa dalampasigan. I fell off the dock because she pushed me away. Nang mahulog ako, I stepped on a painful pin-like thing. When blood came out of my sole, Lala freaked out.
"Relax, will 'ya? It's just a sea urchin," pagpapakalma ko sa kanya. Apparently, I was stung by a sea urchin.
"Relax ka d'yan! Hindi mo ba alam na nakakalason ang swaki?"
"Swaki?"
"Oo, swaki ang tawag d'on! Nakakalason sila! Maliliit silang tingnan pero mapanganib 'yang mga 'yan! Bahay 'yan ng mga enkanto sa dagat!"
Oh, God!
"Seriously, Lala, how old are you?" naaaliw na tanong ko sa kanya. Pupusta akong naniniwala pa sa sirena at siokoy ang babaeng 'to.
"Loko ka talaga! Bakit ayaw mo maniwala? Eksperto ako sa panggagamot ng swaki, akala mo!"
"Wow!" tugon ko kahit medyo nagdududa ako.
Nagtaka ako nang ibang direksyon ang tinatahak namin imbes na papuntang gazebo kung saan naroon ang pamilya ko.
"Where are we going?"
Ramdam kong nahihirapan na siya sa pag-alalay sa akin. Sa tangkad at laki ko ba namang 'to, nakaakbay sa isang maliit na babaeng tulad niya. Iika-ika pa naman akong maglakad dahil sa sakit ng tusok ng sea urchin."Doon o!" turo niya gamit ang nguso, "May nakita akong mga malalaking bato doon!"
"Why are we heading there?"
"Para gamutin 'yang tusok mo. Tamang-tama naiihi na ako."
Hindi ako kumibo. Hindi ko siya maintindihan. Nagpatianod na lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa malaking batong sinasabi niya ay inalalayan niya akong maupo sa buhanginan. Walang ibang tao ang naroon. Natatakpan din kami ng mga naglalakihang bato kaya 'di kami matatanaw nang kung sino.
What is she planning to do? Pauusukan na naman ako?
"Pumikit ka. Takpan mo mga mata mo, dali!" nagmamadaling utos niya.
Kumunot ang noo ko.
"Why?""Iihi ako!"
Napangaga ako. "Seriously, Lala?! There's a bathroom nearby! Bakit dito pa? And at this time?"
"Sira ka ba? Kailangan 'to ng sugat mo!"
Lalo akong naguluhan.
"What does my stung have to do with your pee?""Ang dami mong tanong! Iihian ko na nga 'yan diba?"
Nanlaki ang mga mata ko, inilayo ang paa sa kanya. "What?!"
"Kailangan maihian 'yan para matanggal at 'di na kumalat pa ang lason sa sistema mo!"
Nahindik ako sa sinabi niya. Lalo akong nag-panic nang makitang hinahawakan na niya ang magkabilang garter ng panty niya. Funny how I find her innocent concern towards me ridiculous but somehow it turned me on.
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...