Lala's POV
"Kumusta ang unang araw mo sa trabaho, Lala?"
Napakamalas, Lola!
"A-ayos naman po, Lola," kaila ko, hindi makatingin nang deretso sa Lola Sabel ko.
Masama sa loob kong magsinungaling sa Lola Sabel ko pero ang totoo n'yan ay tanggal na ako sa trabaho. Kahit ilang linggo akong nagtraining para maging tagalinis sa bintana ng isang condominium, isang kapalpakan lang na hindi pa ako ang may kagagawan ay tinaggal agad nila ako sa trabaho.
Sa isang iglap lang ay naglaho lahat ng pinagpaguran kong training dahil sa isang pasaway na lalaking hubo't hubad na nakipagtalik sa asawa ng isang senador. Kung masama lang talaga ang budhi ko'y ikakalat ko ang nasaksihan ko sa TV patrol at Bente Kuwatro Oras upang pagpipiyestahan ng media ang gagong lalaking 'yon.
Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko bang pumalpak ang trabaho ko kanina dahil sa walang hiyang lalaking sumampa sa likod ko? Hindi man lang ako hinayaang mag-explain, basta na lang akong tinaggal sa Agency na pinagtatrabahuan ko. Nakakasama talaga ng loob!
"Tahan na, Apo..."
Napakislot ako nang maramdamang hinagod ni Lola ang likod ko. Nakangiti siya habang nakatitig sa mukha ko. Hindi talaga ako nakakapagtago ng sekreto sa kanya. Ano mang pilit kong ikaila ang nararamdaman ko'y nahahalata pa rin 'yon ni Lola.
"Ayos lang 'yan, maghanap ka na lang ng panibagong trabaho, Apo. Matalino ka't masipag, maraming maghahangad sa 'yo bilang empleyado."
Ilang beses nang ginusto kong umiyak pero dahil ayaw kong nai-istress si Lola Sabel, pinipilit kong magpakatatag. Pero alam kong magkaila man ako sa kanya ng totoong nararamdaman ko'y batid kong alam niya ang pinagdadaanan ko.
Siya na kasi ang nagpalaki at nag-aruga sa akin magmula nang iwan ako ng aking ama. Maaga ring namatay ang aking ina kaya hindi ko nakagisnan ang isang buong pamilya.
"Oo, 'La, kaya ko 'to...Apo ako ni Tandang Sabel, ang pinakamagaling na albularya sa balat ng lupa!" pagapapalakas ko ng loob sa sarili.
Napangiti ang matanda saka ginulo ang buhok ko.
"Bakit hindi ka na lang bumalik sa panggagamot at paggawa ng mga herbal na medisina? Sapat naman ang kinikita mo doon, a."Kung hindi n'yo naitatanong, isa akong dating tanyag na albularya. Famous ako dati sa pangalang "Lala Albularya" sa buong baryo namin. Lahat ng taong may sakit, nagsasakit-sakitan, sinapian ng masamang espiritu, pinaglaruan ng masamang elemento, sinalakay ng manananggal, nabuntis ng kapre at minulto ng madre—kaya kong gawan ng paraan.
Alam kong nakakamangha ang talent ko ngunit hindi lang doon nagtatapos ang kagalingan ko, famous din ako sa paghalo-halo at paggawa ng halamang gamot. May halamang gamot ako dati na ako mismo ang may gawa, sa tulong na rin ng mga librong isinulat ni Lola Sabel na may mga dasal at ritwal.
Dahil sa dami ng tumangkilik sa gamot na iyon dahil hindi lamang mabisa, abot kaya pa, ay sumikat iyon sa buong baryo namin.
Ang problema, kung gaano kabilis dumami ang mga bumibilib sa kakayahan kong magpagaling, ganoon rin kabilis dumami ang mga bashers ko.Naks, artista! May bashers!
Isa daw akong huwad na manggagamot o quack doktor sabi ng mga bashers. Inaamin akong salat ako sa edukasyon dahil nakapagtapos lamang ako ng High School ngunit ligtas at malinis ang lahat ng mga gamot na gawa ko.
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomansMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...