27 -Seven Eleven

1.2K 84 34
                                        

Nicolas' POV

Napabalikwas ako ng bangon, hapong-hapo at pawis na pawis. Binangungot ako. Nasa mainit daw kaming tagpo ni Lala! Naririnig ko pa ang halinghing ni Lala sa panaginip ko. Kinilabutan ako bigla. Pinunasan ko ang pawisang noo.

Iginala ko ang mga mata sa paligid. Agad kong namataan ang nakatunghay na butiki sa kisame. Saka ko lang naalala na hindi ako sa bahay natulog. Nandito pala ako sa bahay nina Lala.

Nang tingnan ko ang katabing espasyo ko'y wala na si Lala doon. Gising na yata siya. Tumayo na rin ako't nagligpit ng banig at unan saka iyon ipinasok sa maliit nilang kuwarto.

Napansin ko ang isang lumang picture frame sa ibabaw ng tokador. Pinagmasdan ko ang frame, isang babaeng kamukha ni Lala ang nasa litrato. Siya kaya ang nanay ni Lala? Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa ibaba. Nakita ko si Lola Sabel na nagwawalis. Agad ko siyang nilapitan saka nagmano sa kanya.

"Magandang umago ho, Lola Sabel," bati ko sa matanda.

Ngumiti lamang siya't tinanguan ako. Hindi pa masyadong nagsasalita ang matanda dahil sa kanyang operasyon. Ang sabi naman ng manggagamot ay okay na siyang magsalita ngunit anxious pa rin ang matanda.

"Si Lala po?" tanong ko.

She pointed out the bathroom using her lips. Napangiti ako. Such a cute granny. Before I find that gesture inappropriate and unsophisticated. But as I have grown to like this old granny and her pesky grand daughter, I learned to accept their "weird" way of living.

Kahit hindi acceptable sa standards ng isang katulad kong maituturing na nasa mataas na antas ng lipunan ang behaviour nina Lala at Lola Sabel, hindi ko rin naman sila magawang husgahan at pandirihan. We live in the same world but with different norms. Ang tama sa kanila ay mali para sa akin but that doesn't mean they're wrong and I am morally right.

I guess embracing our differences to live harmoniously is what I have learned the most from this family. I've learned to accept people in different walks of life. Natuto akong itapak ang mga paa ko sa lupa at ipantay ang sarili ko sa kanila. I'm no better than them to be honest. I was just fortunate I was born with a golden spoon in my mouth. Wala akong ipinagkaiba kina Lala na nasasarapan din sa galunggong at tutong na kanin.

"Nandito ka pa? Umuwi ka na uy!"

Napapitlag ako nang marinig ang matinis na boses ni Lala. Apparently ay nakalabas na siya ng banyo nang hindi ko namamalayan. Nang makita ko ang suot niyang puting sando na bumakat sa basa niyang katawan ay napalunok ako. Ang suot niya pang pang-ibaba ay short pants na gula gulanit.

Kitang-kita ko tuloy ang makinis niyang hita sa maliliit na butas ng shorts. Napalunok ako. Bakit parang nag-iinit ang katawan ko? Nagtutuyo ng buhok si Lala gamit ang tuwalya at 'di maiwasang umalog-alog ang dibdib niya sa ginagawa. Nanuyo ang aking lalamunan sa nasasaksihan.

Damn, Cole, what on earth is happening to you? You're acting like a sex starve maniac!

"W-why dont you go inside and get dress, Lala?" masungit na sabi ko sa kanya. I dont know why I said that. Bigla na lamang lumabas sa bibig ko.

Sumimangot siya saka ako inikutan ng mga mata. May binubulong pa siya sa sarili saka nagmartsa papasok ng bahay. She's clearly unaware of what she made me feel. Nang sinundan ko siya ng tingin ay lalong nanlaki ang mga mata ko. Hindi niya yata pansin na may malaking butas rin sa likod ng short pants niya. Nasilip ko pa ang pisngi ng matambok niyang puwet na tila kaysarap pisilin at kurutin!

For crying out loud! This is not good. I'm terribly missing sex that's why I'm imagining these odd things.

Napatayo ako't iwinaksi ang werdong kamunduhan sa isipan. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Naa-arouse ako kay Lala and it's making me insane. Hindi ko dapat nararamdaman 'to para sa kanya. Lala is not the type of girl I would casually bang. She's out of my league. Oo, gusto ko siya but not like this. Nasisiraan na yata ako ng bait.

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon