Lala's POV
Hindi ko sure kung saan ako. Parang nakahiga ako sa isang kama na napakalambot. Mabango din ang silid na kinaroroonan ko, amoy fresh na mga bulaklak. Medyo may kalamigan ang paligid, parang airconditioned. Ang sakit ng ulo na kanina ko pa iniinda ay nabawasan na.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Napatingin ako sa isang pamilyar na lalaking seryosong nakapamulsa habang nakatunghay sa akin. Napabalikwas ako ng bangon. Ang mukhang kahit sa panaginip ay ayaw kong makita! Si Nicolas! Napatingin ako sa suot ko, hindi ko na suot ang damit ko kanina!
"Anong ginawa mo sa akin?! Nasaan ako?!" hysterical na tanong ko, itinakip pa ang kumot sa sarili.
Humalukipkip siya't pinagtaasan ako ng kilay. "You're in my house and for the record, I didnt do anything to you."
"S-sinungaling! Ikaw pa, eh napaka manyak mo! Bakit iba na ang damit ko? Bakit nasa bahay mo ako?"
Sarkastiko siyang natawa.
"Bigla kang bumulagta sa dinadaanan ko kanina and you're running a fever so I brought you here. And for the record again, I have a taste in women."Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Napakayabang talaga!
Noong isang araw pa nga ako nilalagnat. Paano ba naman kasi, pinalayas kami ng mga pulis doon sa shop namin sa Quiapo. Ilang araw na rin hindi maganda ang pakiramdam ko tapos nalilipasan pa ako ng gutom sa paghahanap ng bagong trabaho kaya siguro ako nahimatay.
Nagkumahog akong umalis ng kama. Masarap man sa pakiramdam na mahiga sa kama niyang malambot, hindi ko naman masisikmura ang ugali niya! Napakasama! May taste daw siya. So ano ako, walang lasa?! Buwesit!
"Bakit ka tumayo? Hindi ka pa tuluyang magaling—" Akmang pipigilan niya ako't ibabalik sa kama nang iwinaksi ko nang malakas ang kamay niya. Para akong kinuryente ng isang daang porsyentong enerhiya sa kamay niyang dumikit sa balat ko.
"Huwag mo akong pipigilan!"
"Certainly not. I just want you to be fully recovered before you go."
Pinakiramdaman ko ang sarili. Medyo mainit-init pa ako pero mas bumuti na ako kaysa kanina.
"M-mabuti na ang pakiramdam ko. Nasaan ang mga damit ko?"Tumalikod siya't may kinuha sa isang cabinet. Inilabas niya doon ang mga damit kong nakatupi. Agad ko naman 'yong inagaw sa kanya saka niyakap sa sarili. Namaywang siya saka umiling-iling. Tila gustong matawa habang pinagmamasdan ako.
"L-lumabas ka. M-magbibihis ako," utos ko sa kanya.
Doon na siya natawa ngunit tumalikod naman at lumabas ng silid. Ang sarap niyang tuktukan! Nakakainsulto ang tawa niya! Nagmadali na lang akong magbihis saka lumabas ng kuwarto. Muntik pa akong mapalundag nang makita siyang naghihintay sa labas ng pinto, nakasandal habang nakapamulsa.
"U-uwi na ako. S-salamat sa pagkakawang gawa mo..."
Bago pa man siya makasagot ay biglang may tumawag sa akin.
"Lala!"
Napalingon ako. Nakita ko 'yong kapatid ni Nicolas na si Niña na nakaupo sa wheelchair habang tulak-tulak n'ong matandang babae na lagi niya kasama. Papunta siya sa direksyon namin ni Nicolas. Nang makalapit ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.
"Oh, I'm so glad to see you again, Lala!"
tuwang-tuwang sabi niya.Ginantihan ko siya ng ngiti kahit gigil ako sa kapatid niya.
"Ako rin po."
BINABASA MO ANG
Vitamin U
عاطفيةMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...