Lala's POV
Hindi ako makakilos habang nakatitig kay Nicolas. Binalot nang matinding sakit at galit ang dibdib ko dahil sa narinig na paratang. Pinaghihinalaan niya akong ginayuma silang tatlo para mapaibig ko sila? Hindi niya matanggap na nagkagusto siya sa isang katulad ko na wala man lang sa kalingkingan niya kaya pinagbibintangan niya ako nang kung ano-ano para maisalba ang pride niya.
At nanggaling ang bintang at panghuhusga sa lalaking buong puso kong nirerespeto at minamahal. Sa lahat ng tao, si Nicolas pa? Ganoon na ba talaga kababa ang pagtingin niya sa akin? Kung sabagay, nakilala niya akong gumagawa ng mga maling gawain noon kaya siguro ganoon na lang niya ako pagbintangan ngayon.
Pero below the belt na 'to. Gayuma?
Kahit nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit ay sinubukan kong humakbang. Nagtungo ako sa estante ng mga herbal medicines na nakalagay sa mga garapon. Kinuha ko ang una kong nahawakang garapon at inilapag sa harapan ni Nicolas. Hindi ko alam kung anong gamot iyon at 'di na rin ako nag-abalang basahin ang nakasulat sa garapon. Nagtatakang napatingin siya sa akin.
Kung wala sana akong pinagdadaanan ay baka nasapak ko 'tong si Nicolas dahil sa tindi ng galit at pamamahiyang ipinaramdam niya sa akin. Kaso mas gusto ko na lang siyang maglaho agad sa paningin ko sa mga oras na 'to. Ayoko man lang marinig ang boses niya dahil baka humagulhol ako. Ewan, baka hindi ko na rin siya gustong makita kahit kailan.
"What's that?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi ba sabi mo ginayuma kita? Ayan ang pampawala ng bisa sa gayuma," pagsisinungaling ko. Hindi ko naman siya ginayuma pero dahil iyon ang pinaniniwalaan niya, sasakyan ko siya para matahimik siya.
Ang tagal niyang tinitigan ang gamot bago nag-angat muli ng tingin sa akin.
"So it's true? Ginayuma mo nga ako?""Oo, kasi nga mayaman at guwapo ka, diba?" sarkastikong sagot ko.
Naikuyom niya ang mga palad. Marahas siyang tumayo saka hinablot nang mahigpit ang braso ko.
"I cant believe you betrayed me! Akala ko kaibigan kita at ng pamilya ko! Kaya pala ang bilis mong napaikot ang ulo ng Ate at parents ko! Pati ako...nagkagusto sa 'yo! How could you do this to us?"Napadaing na lamang ako sa sakit sa tindi nang pagkakadiin ng kamay niya sa braso ko.
"Binibigyan ka na nga ng pampawala ng bisa, diba?""At ganoon na lang 'yon? After you ruined our lives?" singhal niya pa.
"Ano bang ipinagpuputok ng butse mo? Hindi nga ako nagtagumpay diba? Kunin mo na ang gamot at lumayas ka na rito!" ganting singhal ko sa kanya.
"And then what? You will continue fooling that stupid Councilor and that old Senator? You will make them fall for you and get all their money?"
Nag-unahan ng bumagsak ang mga luha ko. "Oo at anong pakialam mo?"
Lalong nagdilim ang anyo niya.
"Bitch!""Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. Bukas ang pinto, Nicolas. Makakaalis ka na," mahinahon kong sabi.
Marahas niyang binitawan ang kamay ko saka walang salitang kinuha ang garapon at nagmartsa palabas ng bahay. Dumausdos ako sa sahig saka pinakawalan ang masagana kong mga luha. Ang sakit ng mga sinabi ni Nicolas. Hindi ako mabilis maapektuhan kahit ano pang pang-iinsulto at mga masasakit na salita ang ibato sa akin. Pero iba si Nicolas, tumagos hanggang kaluluwa ko ang mga sinabi niya. Ganoon pala siya kawalang-hiya.
Bakit kaya nagkasabay lahat ng pinagdadaanan ko? Gusto nang sumabog ng puso ko sa lahat ng sakit. Ang masakit pa, wala na ang tanging taong kadamay ko sa lahat ng problemang pinagdadaanan ko. Iniwan na nga ako ni Lola Sabel, dumagdag pa 'tong si Nicolas.
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...