Nicolas's POV
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig nang nakakabulahaw na ingay sa labas ng aking kuwarto. May naamoy din akong kakaibang amoy ng usok. Sa pag-aakalang nasusunog na ang bahay ko'y mabilis akong lumabas ng silid at hinanap agad ang kapatid ko.
And there she is...lying on our fancy sofa, smiling from ear to ear. At ang may pakana nang lahat ng ingay at usok ng bahay ay walang iba—ang nag-iisang si Lala! Nakasuot siya ng bandana sa ulo at nag-oorasyon sa harapan ni Ate Niña.
Naiiling na sinapo ko ang ulo. God, this girl's gonna give me a heart attack!
Nakahalukipkip na sumandal ako sa gilid ng pinto habang nakamasid sa kanila. Ang dalawang pinsan ni Lala ay abala sa pagpapaypay ng usok mula sa palayok. Imbes na magalit ay naaaliw akong pinagmamasdan ang ginagawa ni Lala.I have accepted the fact that this girl is weird, unrealistic, unbeleivable and out-of-this-world. She's so unique and too pure for this world. Kaysa mainis sa kakulitan at pagiging kakaiba niya, pinili ko na lang na sakyan ang kawerdohan niya. And now I cant help but smile.
"Cole?"
Naputol ang panonood ko sa kanila nang marinig ang tawag ni Ate Niña.
Nakatingin na pala silang lahat sa akin."Y-yeah?"
"What are you doing there?"
Napahagod ako sa aking buhok, nag-isip nang sasabihin. "I...I, uhm...I thought the h-house is burning. I smelled smoke."
"Hindi smoke 'to, sinunog na bato galing tuktok ng Bundok Hibukok," sabat ni Lala.
Nagkibit balikat ako. "Whatever it is."
Nakita kong inaalalayan ni Lala si Ate Niña na tumayo kaya mabilis ko silang dinaluhan. Nasagi ko nang 'di sinasadya ang dibdib ni Lala. It was not intentional but she gave me a death glare.
"'Yang kamay mo, Nicolas, ha! Kung saan-saan napupunta!"
Napatingin si Ate Niña sa amin na halatang clueless sa sinasabi ni Lala.
"I-it was unintentional!" depensa ko sa sarili.
"Talaga lang ha. Kung 'di ko alam, sadya mo akong hinihipuan!"
Nag-init ang mukha ko, napahiya sa narinig. "Have you lost your mind? Hindi kita kailanman papatulan!"
"Cole!" galit na saway sa akin ni Ate Niña. Si Lala naman ay tila napahiya rin sa narinig.
"What?" balisang tanong ko. Bakit parang pinagkakaisahan nila ako?
"We'll resume the therapy later, Lala," ani Ate Niña kay Lala bago ako binalingan.
Therapy? Therapy na pala ngayon ang pausok at palaspas?
"Let's go and have some lunch, Cole. Lala brought some delicious foods for us."
Napatango ako at iginiya na si Ate Niña sa dining room. Habang nasa hapag ay napakaingay nila. Walang humpay ang umaatikabong balitaktakan ng magpipinsan. Nasurpresa ako at nakikisali din si Ate Niña sa kanila. Ate Niña has always been silent in any issues.
"Alam n'yo ba, 'yong si Koring? 'Yong kabit ni Kapitan Gardo? Ayon, nahuli ng mga pulis kahapon! Estapadora pala!"
Oh, my god. Halos mailing ako sa sinabi ni Lala.
"Si Koring? 'Yong bumili sa 'yo ng gamot sa almuranas?" tanong ni Buboy habang ngumunguya ng pagkain. Tumatalsik pa mula sa bibig ng lalaki ang kanin.
![](https://img.wattpad.com/cover/144240393-288-k108391.jpg)
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomansMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...