15-A Kiss on a Cheek

1.1K 74 19
                                        

Lala's POV

Muntik na akong malaglag sa maliit naming hagdanan nang makita ang sasakyan ni Doña Monica sa labas ng aming munting gate. Kagigising ko lang nang makarinig nang magkasunod na busina sa labas. Pagbukas ko nang pinto ay bumulaga na ang sasakyan sa akin. Ilang sandali pa'y iniluwa ng sasakyan si Doña Monica kasama ang kanyang yaya habang pinapayungan siya.

Hindi ko malaman ang unang gagawin; maghihilamos at mag-aayos ng sarili o pagbuksan ng pinto ang Doña upang makapasok ng gate? Sa huli ay nagkumahog akong bumaba at pinagbuksan ang Doña saka magalang siyang pinapasok ng gate.

Ano na naman bang sadya ng matandang 'to sa akin?

"M-magandang umaga ho sa inyo, Madam," bati ko sa kanya.

"Can you stop calling me madam? From now on, call me 'Mama'."

Napakamot ako ng ulo. "Bakit ho?"

Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Cause I am your soon to be mother-in-law. God, Lala, manners, will you?"

Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako sa kanya.

"Where's your Granny? I need to speak to her," demand agad niya nang makapasok sa gate.

"Nasa loob ho. Ano hong kailangan n'yo sa kanya?"

"I need more of her wonder juice."

"Po? Diba binigyan na po namin kayo ng limang galon n'ong isang araw? Sinimot n'yo po lahat 'yon?"

Aba, baka ipinanligo ng Doña na 'to ang juice imbes na ininom!

"Of course not, you silly! I still have it in my house. I'm interested in making it a business."

"B-business?" Napanganga ako sa narinig.

"Yes! Your product was examined by an expert and they confirmed it was safe and purely natural. It's time for you to release it to the market."

Hindi pa rin ako makahuma.
"T-teka po! Kalma lang! Bakit naman ho padalos-dalos kayo ng desisyon?"

"Goodness, my dear! Hindi ka ba naaawa sa mga matatanda—I mean, my edad na babaeng katulad ko? Your wonder juice is the answer to our desperate hearts!"

"Desperate hearts?"

"Desperadang mawala ang kulubot at bumalik ang alindog, ne," sabat ni Manang Biday.

"Biday, did I ask you to speak on my behalf?" mataray na tanong ng Doña.

Tumahimik si Manang Biday saka nag-zipper ng bibig gamit ang daliri.

"Ano na, Lala? Come on, name your price!" pangungulit ng Doña.

"Teka lang naman po. B-bakit n'yo po ginagawa 'to? Anong nagawa ko sa inyo?"

Tumirik ang kanyang mga mata na tila naalibadbaran sa dami ng tanong ko.
"I want to make you rich! And aside from that, you have the potential to be a successful eterpreneur."

"E-enterpreneur? Ano 'yon?"

"Please dont waste my time asking dumb questions, my dear," masungit niyang sagot.

Napakamot ulit ako ng ulo. Eh, sa hindi ko siya nage-gets! High School lang ang natapos ko kaya limitado vocabulary ko.

"Stop doing that!"

Natigilan ako. Ano na naman ba ang ginawa ko? "Ho?"

"Stop scratching your scalp! Are you cultivating a colony of lice and ticks in your head?"

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon