Nicolas' POV
Napahilot ako ng aking sintido dahil sa tindi ng hangover ko kagabi. I just drank four glasses of wine in a wedding anniversary where I saw Lala again. Hindi pa natapos ang pag-inom ko dahil pag-uwi ko ng bahay, uminom ulit ako ng vodka. Now I can barely think because of the pain.
This is all Lala's fault!
I clenched my fist. I cant bear to see the sight of Lala and that fuckin' old man Senator Matias in that event! I was consumed with so much jealousy. I've never been that jealous my whole life. Hindi ko makontrol ang sarili na hindi lapitan at pagsalitaan ng hindi maganda si Lala. I cant help it, I'm still attracted to her. The feeling is more intense now that I saw her again.
That goddamn antidote didn't even take its effect!
While I'm here suffering the consequences of Lala's black magic, she's out somewhere enjoying the lavish lifestyle that Senator Matias is showering her. I wonder what's he gonna get in return? Her kisses? Her virginity? I groaned inwardly and hit the table with my clenched fist. Jealousy is taking over me again.
A month had passed and I'm still not over with Lala. When is her antidote gonna take effect? Another month? Another year? I cant suffer any longer! It's either I'm gonna take legal action or give in to my feelings until it's finally gone. But I don't have the heart to take legal action. It was just a threat to her last night. My mouth kept on mumbling absurd comments whenever I'm anxious. And I'm really anxious to make Lala mine! And as if on cue, my intercom rang.
"Sir, Miss Panyang Dimaculangan is here outside. She wants to talk to you."
"Yes, send her in!" agad na sagot ko sa sekretarya.
Ilang segundo lang ay pumasok na si Panyang. I smiled widely, as if Panyang is the light in my darkest torment. Nagtatakang napatingin siya sa akin saka bumati.
"Good morning, Ser."
"Good morning, Panyang. Have a seat." Itinuro ko ang upuan upang umupo siya doon. Agad naman siyang tumalima.
"What brought you here?"
"Uhm..." Tila nagdalawang isip pa siya hanggang sa may hinugot siyang envelope saka inilapag sa mesa ko.
"Magre-resign na po ako, Sir."Napatitig ako sa mukha niya. I was expecting that considering Lala also resigned a month ago. I heard Lala's doing well now. She's living in Senator Matias' condo unit. Ayokong isipin na ibinahay na ni Senator Matias si Lala. Nagkukutkot lamang ang loob ko sa tuwing iniisip na ginagawang mistress ni Senador Matias si Lala.
This is karma for you since you had an affair with his wife!
"May I know kung bakit?" tanong ko kay Panyang kahit alam ko na ang sagot.
"Magtatrabaho na po ako kay Lala. May bago po kasi siyang tayong business."
I'm happy Lala's business is also doing well. I really wanted the best for her kahit ginayuma niya ako.
"Nagbigay na rin po ako ng resignation sa HR at sa department head ko. Nandito lang po ako upang opisyal na magpasalamat at magpaalam sa inyo," patuloy pa ni Panyang.
Nalungkot ako sa narinig. I admit that Lala and Panyang leaving my company hurts me. I felt like they're already part of my life. Sina Buboy at Panyang ay itinuring ko ng mga tunay na kaibigan. Naging bahagi na sila ng buhay ko nang hindi sinasadya.
"Boss, kahit naman po aalis ako sa kompanya n'yo, itinuturing ko na po kayong kaibigan. Sayang nga lang at hindi kayo nagkatuluyan ni Lala..."
Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya. "Sino bang nakatuluyan niya? Si Lester o si Senator Matias?"

BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...