10-Lola Sabel

1K 64 16
                                    

Nicolas' POV

"Yes, babe, I'll see you tonight. No, of course I'm not fucking anyone! It's just that there's a lot of stuff going on in my company right now," paliwanag ko kay Caroline habang nakikipag-usap dito sa telepono, "yeah, I missed you too. See you tonight...l-love you!"

"Naks naman, I lab you daw!"

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak na cellphone nang biglang sumulpot si Lala sa tabi ko. Ngiting-ngiti siya habang nakatingala sa akin. Pansin kong bago na ang suot niyang uniporme, 'di tulad n'ong unang beses na pumasok siya ng opisina ko. Nagmukha na siyang presentable.

"Sino 'yon, 'yong asawa n'ong senador o 'yong pamangkin ng former amo kong bakulaw?"

Nagusot ang mukha ko sa tanong niya. She's nosy; a typical squater person. Naalala ko tuloy ang mga squaters na nanggugulo sa kompanya ko lately. Hindi ko sinagot si Lala at nagdire-diretso sa sasakyan kong nakaparada sa parking lot ng building.
Nakasunod pa rin siya sa akin.

"Alam mo, mahusay kang pumili ng mga babae. Magaganda silang lahat, eh," patuloy niya, "Kaso parang may mali sa kanila. Iyong isa may asawa na, 'yong isa ang sama ng ugali!"


Natigil ako sa pagbubukas ng sasakyan at kahit ayaw kong makausap si Lala ay hinarap ko siya.

"What do you want?"

Kumunot ang maliit niyang ilong.
"W-wala lang. Gusto kitang kumustahin, bakit ba?"

"I'm sorry but I've no time for some silly talk right now," seryoso kong sagot.

"Silly? Marami kami n'on sa bahay. Gusto mo?"

Oh, God...

"Hindi ka pa ba uuwi? It's past five," sa halip ay sabi ko. Alas kuwatro ang uwian ng mga manggagawa sa kompanya ko.

"Uuwi na. Hinihintay kita."

"Why?"

"Para magpahatid sa 'yo," nakangising sabi niya.

Tumaas ang dalawang kilay ko. Is she serious? Iisipin ko sanang umaabuso na siya pero masyadong sinsero ang ngiti niya. Itinukod ko ang kamay sa gilid ng kotse saka yumuko sa harapan niya. Napalunok siya't napasandal sa kotse.

"Dont you know that it's not proper for a woman like you to hitch a ride with a guy like me?"

Kumunot ang noo niya.
"Bakit hindi proper? Wala naman akong gagawing masama sa'yo?"

"Not you. It's me...what if I'm a bad guy?"

Natawa siya nang malakas, hinampas pa ako sa braso. "Ano ka ba? Hindi ka bad. Manyakis ka lang pero 'di ka bad!"

So ganoon ang impression ng babaeng 'to sa akin? Manyakis? Napailing-iling ako.

"Hop in!" pagpayag ko para tumigil na siya.

Napatalon siya sa tuwa.
"Yehey! Maraming salamat, Nicolas!"

Mabilis siyang umikot sa kabila upang buksan ang pinto ng passenger's seat. Pumasok naman ako ng kotse at pinaandar agad ang makina.

"Alam mo ang dami mo palang kinakalakal na mga bitamina 'no? Nalaman ko lang n'ong nag-iinventory kami sa bodega."

"Vitamins, minerals, food supplements and etc..."

Tumango-tango siya. "Alam mo marami akong alam na halaman na natural na nagbibigay ng bitamina sa katawan. Marami d'on sa bakuran namin sa bahay."

Vitamin UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon