Lala's POV
Kanina pa ako tulala habang hawak-hawak ang pisngi kong nahalikan ni Nicolas. Ito ang unang beses na nahalikan ako ng isang lalaki sa tanang buhay ko. Kakaiba sa pakiramdam. Kinilabutan ako kanina at ngayon naman ay tila lalagnatin. Daig ko pa sinapian ng diablo.
Ganito ba talaga ang pakiramdam nang nahalikan?
"Lala, are you listening to me?!"
Nagising ako sa pagkatulala nang marinig ang boses ni Doña Monica. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"O-opo!" kaila ko kahit 'di ko naman siya pinapansin kanina pa.
Panay kasi atungal niya dahil doon sa ka-date ni Nicolas kaninang asawa ni Senator Matias. Kesyo ayaw daw niya sa babaeng 'yon at 'di niya bet ang hilatsa ng pagmumukha. Mukhang 'di niya alam na may namamagitan sa dalawa. Hanggang sa makarating kami ng mansion nila'y ngawa pa rin ng ngawa 'tong si Doña Monica.
"I dont trust that woman! There must be something going on with those two. Inaakit niya ang anak ko!"
Napatango ako. Oo, naman!
"Tama kayo riyan, Madam—Mama!"
Halos 'di ko mabigkas ang salitang "Mama" pero dahil alam kong mas lalo siyang mag-a-alburoto kapag tinawag ko siyang madam, binigkas ko na!"And you're not going to do something about it?" Tila galit pa siyang namaywang sa harapan ko.
"H-ho? Ano namang gagawin ko?"
"God, Lala, you're his fiancée! You should fight for my son! Inaahas na ng ibang babae ang anak ko. Do something!"
Kakamutin ko sana ang ulo ko pero naalala kong bagong treatment nga pala 'to kaya nagbago isip ko.
"Ano po ba gusto n'yong gawin ko?"
Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Make him fall for you hard! Better yet, make yourself pregnant!"
Hesus maryusep!
Napaantanda ako sa sinabi ng Doña. Halik nga lang sa pisngi ay nawala na ako sa katinuan, magpapabuntis pa?"Grabe naman po kayo! H-huwag naman po ganoon!"
"Ano, hahayaan mo na lang na maagaw sa 'yo ang anak ko?"
Bakit ba ayaw niya sa Caroline na 'yon, eh mayaman 'yon at sobrang ganda? Mas makinis pa yata ang paa n'on kaysa sa pagmumukha ko.
"H-hindi naman po sa ganoon. Kaso naniniwala akong kung para talaga kami ni Nicolas sa isa't-isa, tadhana na ang siyang magpapasya."
Umikot na naman ang mata ng ginang na tila kinokombulsyon.
"I don't believe in destiny crap, dear! Ikaw ang siyang gagawa sa sarili mong tadhana at hindi kung ano-anong nonesense force of nature.""Eh, ano nga po gagawin ko? Saang kamay ng Diyos ko kukunin ang force of nature na gusto n'yong ipagawa sa akin?"
Tiningnan niya ako nang mariin.
"Tell me, do you really love my son?""H-ho?"
Hindi! Kung ang pagkawindang ko sa halik niya kanina at ang paulit-ulit na pag-replay n'on sa utak ko ay hindi kasama sa kuwalipikasyon—hindi ko love si Nicolas!"Answer me, Lala!" singhal ng Doña na siyang nagpaigtad sa akin.
Lala, diba sabi ni Nicolas, sakyan mo lang mga magulang niya? Kapag sinuway mo siya ay baka mawalan ka ng trabaho!
"A-ano ba namang k-klaseng tanong 'yan? S-syempre po...o-oo." Napalunok ako pagkatapos.

BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomansaMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...