Lala's POV
Parang gusto kong umbagin ang pagmumukha nitong si Nicolas habang pilyong nakatingin sa akin. Tila gusto na niyang humalakhak ngunit pinipigilan lang. Ewan ko ba kung bakit nakangisi 'to sa akin.
Siguro sa loob-loob ay natatawa sa suot ko. Naroon na ako sa gazebo, ipinakilala na rin ako ni Doña Monica sa mga kamag-anak niya kanina.
Halos manliit ako nang malamang mga politiko, may-ari ng mga malls, restaurants at malalaking kompanya ang mga kamag-anak nila. Hindi ko nga masagot ang mga tanong nila kanina kung saan daw ako nagtatrabaho.
Buti't honest si Nicolas. Sinabi niya talagang empleyado lang ako sa kompanya niya. O baka sinadya ni Nicolas na ipagtapat kung sino talaga ako para ma-turned off lalo ang mga kamag-anak at mga magulang niya sa 'kin?
Hindi naman nag-usisa pa ang mga kamag-anak nila. Mababait sila't 'di ko ramdam na others ang tingin nila sa amin ni Panyang. Si Nicolas lang 'tong parang abnormal. Kanina pa nakabungisngis nang walang dahilan.
Hmp! Pakialam ko ba sa iisipin niya?
Kasalukuyan akong lumalamon ng handa nilang pagkain. Akala ko may birthday, 'yon pala'y ganoon sila maghanda sa tuwing may get together. Pina-catering pa umano ng pamilya ni Nicolas ang mga pagkain sa mamahaling restaurant. Sosyal talaga. Magugunaw na lang siguro ang mundo, 'di ko maa-afford 'tong mga pagkaing 'to sa tanang buhay ko.
"Bakit ba?" naalibadbarang tanong ko kay Nicolas.
Nakahalukipkip siyang nakasandal sa mesa habang nakamasid sa akin na kumakain. Nakakamay pa nga ako, walang pakialam kung ano sasabihin nila. Mas masarap kumain nang nakakamay. Siguradong mas matutuwa pa si Nicolas kung may makakita sa aking ganoon kabalahura kumain.
"Nothing. Dont mind me, just...eat," nakangiti pa ring sagot niya.
"Bakit ba nandito ka? Sumama ka d'on sa tropa mo o 'di kaya'y maligo d'on sa dagat!" taboy ko sa kanya.
"Nah, I'd rather stay here and watch you eat."
"Bakit? Takot kang ubusin ko lahat ng pagkain dito?"
Natawa siya nang malakas. "Eat all you want! Itatapon din naman lahat ng mga 'yan pagkatapos."
Kumunot noo ko. "Talaga? Sayang naman! Ganyan ba kayong mayayaman?"
Nagkibit balikat siya.
Sumubo ulit ako. "Alam mo, puwede mo akong iwan. Okay lang ako dito. Mag-enjoy ka d'on sa dagat."
Naiilang ako sa kanya nitong mga nakalipas na araw simula nang halikan niya ako. Ewan ko kung bakit."Nah, I dont want you to feel alone."
"Masaya akong mag-isa basta may pagkain sa harapan ko." Hinayaan ko nga si Panyang na sumama kay Doña Monica at Ate Niña para hanapan umano siya ng "boylet".
"By the way, thanks for coming all the way here," kapagkuway sabi niya.
Umismid ako.
"Hmp! Takot ko lang sa 'yo, 'no!"Natawa na naman siya. "You never failed to make my day, Lala."
"Sus, ginagawa mo naman talaga akong katawatawa, eh. Clown nga tawag mo sa akin diba?"
"Ito naman, nagtampo agad. Ikaw naman ang pinakamagandang clown na nakilala ko, eh."
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Naasiwa ako na ewan. Sinapak ko siya sa balikat. "Umalis ka nga! Kayamot ka!"
BINABASA MO ANG
Vitamin U
RomanceMagmula nang magkrus ang landas nina Lala at Nicolas ay sandamukal na kamalasan na ang naranasan niya sa kanyang mga naging trabaho. Si Nicolas ay isang imoral na playboy na nakita niyang hubad sa isang condominium ng senador. Okay na sana dahil bi...